Na-impress ang mga Japanese investors. Agad na nagpahayag ang mga ito nang pagpirma sa kontrata bukas na bukas din. Hindi naman mapakali si Mika. Matagal itong nakatayo sa labas ng function room para mag-isip kung ano ang nangyayari. Pero wala pa rin siyang ma-absorb kung anong mayro’n dahil hindi pa man nakatatapos si Rick sa speech niya ay lumabas na ito. Naisipan niyang muling pumasok sa loob pero hindi sa event mismo kung hindi ay sa backstage. Hindi niya alam kung paano haharapin ang binata pero kailangan niya itong makausap. Nagsilabasan na ang mga modelo kaya alam niya na tapos na ang show. Sumilip siya sa event para tingnan kung nasaan ang binata ngunit wala ito. Hinanap niya rin ito sa mga dressing rooms pero hindi niya ito nakita. Ganoon din naman si Rick na hinahanap siya. "Na

