Ilang araw na ang lumilipas ay lutang pa rin si Mika. Araw-araw ay naging malamig ang trato niya kay Rick. Pag-umuuwi naman siya ng bahay ay laging hindi niya namamalayan na nasa tapat na pala siya ng gate. Para bang may sariling buhay ang katawan niya na kusang nakakauwi ng hindi niya alam. Iisa lang ang palaging nasa kanyang isipan. Ang binata. Hindi rin niya alam kung ano ba ang ipinakain ng binata para magkagano’n siya. "Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa lalaking ‘yon?” naiinis na bulong niya. “Sobrang kinamumuhian ko siya." tila iba ang sinasabi niya sa nararamdaman niya na halos isumpa niya ito. Pero sa tuwing magkakalapit naman sila ng lalaking iyon ay iba rin ang ikinikilos niya. Titigan lang siya nito ay nakakalimot na siya kaagad sa sarili at lumalambot ang kanyang puso.

