Isa-isang binuklat ni Mika ang portfolio na ini-abot ni Brenda. At sa bawat pagbuklat nito ng mga pahina ay nangingiti na lamang siya habang tinitingnan ang mga designs ni Brenda. As usual ay hindi pa rin nagbabago si Brenda. Kaya naman pala na palaging pinapa-revise sa kanya ang mga gawa ng group nila ay dahil sa may pagka-baduy ang mga ito. Hindi na siya nagtataka kung bakit ito ang nagdala ng portfolio although ang team nito ang inaasahan nitong maghatid sa kanya ng designs noon. At nang makarating sa huling pahina ay isinara na niya ang portfolio at saka ini-angat ang tingin kay Brenda. Hindi naman na kailangan ni Brenda ng opinion nito dahil nakita naman niya lahat ang reaksyon ni Mika. Halata naman niya na hindi nito nagustuhan ang ang mga designs nila kaya agad na ibinaling niya an

