"S-STEVEN...Bakit dito tayo pupunta?" Labis ang pagtataka ni Olivia sa lugar kung saan tumigil ang sinasakyang kotse nila ni Steven. Student-license lang ang meron ito pero malakas ang loob na magdrive sa mga national highways. Sa harap ng isang motel sila humantong. "Olivia...Gusto kong patunayan sa iyo kung gaano kita kamahal." Masuyong sagot sa kanya ni Steven. Mariin siyang umiling. "Hindi tama ito Steven. Kung mahal mo ako irerespeto mo ang kagustuhan ko na ayaw ko nito. May tamang panahon para sa ganitong bagay." "Pero kung mahal mo ako ibibigay mo ang gusto ko!" giit nito. Natigilan si Olivia. Minsan na siyang nagtiwala sa isang lalaki. Ibinigay niya ang lahat noon pero sa huli ay siya pa rin ang kawawa. "Ano? Bumaba na tayo Olivia..." Untag sa kanya ni Steven ng hindi siya

