TATAKBO sana palayo si Bridgette ng marinig niya ang nagmamakaawang pag-ungol ni Ford at Jacob kaya naman natigilan siya sa kanyang paghakbang. Inisip niya ang kalunos-lunos na anyo ng dalawa niyang kaibigan. Humarap siya sa mga ito. "S-sino may gawa niyan sa inyo?" Isang tangang tanong, naisip niya. Paano nga pala makakapagsalita sina Jacob kung tinahi ang mga bibig nito Nanginginig ang buo niyang katawan ng lapitan niya ang mga ito. Hindi niya maisip na may taong makakagawa ng ganitong kabrutal na bagay, kung tao nga ba ang may kagagawan noon. Mukhang kailangan niyang tanggalin ang pagkakatahi ng bibig nina Ford at Jacob para makapagsalita ang mga ito. "OK. Tatanggalin ko ang tahi sa inyong mouth. All you have to do is endure the pain, OK?" aniya. Mahihinang tango lang ang isinagot

