"GUYS! Guys! You have to see this! Matutuwa kayo for sure!" Hindi magkandaugagang sabi ni Thea kina Bridgette, Charina, Emma at Steven na kasalukuyang nagpa-puff ng sigarilyo sa likod ng isang lumang room. Nakaupo sila sa isang bench.
"Peste! Bakit naman ganyan ang entrada mo Thea?! Akala ko kung sino na!" Inis na turan ng na-bad trip na si Emma. Sabay hithit sa hawak na sigarilyo.
Kapag vacant period nila ay talagang nagtutungo ang grupo sa lugar na iyon upang mag-yosi. Katulad lang sila ng mga tipikal na high school students. Lahat halos ng bawal ginagawa. Lahat ng bawal para sa kanila ay masarap!
Mataray na tumayo mula sa pagkakandong kay Steven si Bridgette. Tulad ng iba ay bad trip din ito dahil talaga namang kinabahan siya. Akala niya kasi ay nahuli na sila sa "bisyo" nila. "f**k you Thea!"
"Hey...Easy. Masyado naman kayong H.B...OK. Sorry kung kinabahan kayo sa grand entrance ko. Basta may ipapakita ako sa inyo na ikakatuwa at ikakaloka niyo!"
Lumapit si Bridgette kay Thea. "Make sure na matutuwa kami lalo na ako sa ipapakita mo...Or else alam mo na ang mangyayari sa iyo Thea."
Kinakabahan na ngumiti si Thea. "Eh..He. Basta. C'mon. I'll show you!"
"GUSTO mo ba akong maging kaibigan?" Tanong ni Ruvina kay Olivia. For the second time, isang tao na naman ang lumapit kay Olivia para makipagkaibigan sa kanya. Naisip ni Olivia na nasanay na siya sa pagiging mag-isa...Kakailanganin pa ba niya ng kaibigan? Kaibigan na kasama niya sa lahat? Luha, tuwa, pasakit at pait? Mahirap ng makahanap ng tunay na karamay sa ngayon.
Talagang bihira na ang kaibigan. Minsan akala mo kaibigan mo, iyon naman pala may dahilan kung bakit sila mabait sa iyo. Kung bakit sa lahat ng oras ay ikaw ang gusto niyang kasama. At sa huli, magugulat ka na lang...Sila pa iyong tao na may dalang punyal para saksakin ka sa likod sa oras na wala ka ng pakinabang.
Tinignan niya si Ruvina. Maaliwalas ang maganda nitong mukha. Tulad din kaya ito ni Maika na iniwan siya dahil sa pagkakamali niya noon? "Baka iwanan mo lang ako kapag nalaman mo ang baho ko..." Malungkot ang boses niya. Naalala niya bigla si Maika.
"Baho?" tanong ni Ruvina.
"Oo."
Sumeryoso ang mukha ni Ruvina. Tinitigan siya nito ng parang lalamunin siya. "Hindi ako ganyang klase ng nilalang Olivia. Dahil hindi ako bulag. Alam ko. Lahat ng tao may baho. Iyong iba, pilit itinatago kahit amoy na amoy na. Meron naman na hindi pa nga amoy pero umaalingasaw na ang baho. May baho naman na ikinatutuwa ng iba dahil nagagamit nila ang bahong iyon para apihin ang isang tao." Tumingin si Ruvina sa mga estudyante na nasa ibaba. At pinagtuturo ang mga iyon. "Sila. Sila. Sila! Lahat sila may baho! Kahit ako at ikaw meron! Kanya-kanya lang tayo ng tago, hindi ba?"
"N-natatakot ako sa iyo..." bulalas niya. Napaatras siya ng bahagya. Takot siya sa paraan ng pagtitig sa kanya nito.
"Huwag ako ang katakutan mo. Kakampi ako Olivia. Simula ng pumasok ka sa eskwelahan na ito ay pinagmamasdan na kita. Gusto na kitang kaibiganin noon pa pero naghihintay lang ako ng pagkakataon. Ngayon mo mas kailangan ang tunay na kaibigan. Hindi ka iiwanan..." Pagkasabi noon ni Ruvina ay niyakap siya nito ng marahan.
Nakaramdam siya ng kaginhawahan sa yakap na iyon. Kelan ba siya nakaranas ng huling yakap? Matagal na pala. Hindi na niya matandaan kung kelan.
Dati naman na masaya ang buhay niya. Katulad lang siya dati ng normal na teenager. Nagsasaya. Gumigimik. At kung anu-ano pa. Binago lang lahat ng pangyayaring iyon ang lahat. Nilayuan siya. Isa-isang naglaho ang mga kaibigan niya. Nilibak. Pinandirihan at kinutya. Hinusgahan.
"Ano? Kaibigan na ba kita?" tanong ni Ruvina.
Marahan siyang tumango. "Sige. Salamat...Kaibigan ko." aniya habang nakapikit. Nakayakap sa bagong kaibigan. Si Ruvina.
"SHE is totally insane!" Pahayag ni Charina habang nakasilip sila nina Bridgette, Charina, Emma at Thea sa kalawanging pinto papasok sa roof top. Hindi na nakasama sa kanila si Steven dahil sa nagsimula na ang subject nito.
"Low down your voice Charina! Baka makinig ka niya." Saway dito ni Thea.
Tuwang-tuwa ang apat sa nakikita nila sa roof top ng isang lumang building.
Paano kasi ay kitang-kita nila si Olivia na mag-isang kinakausap ang sarili doon. Para itong baliw na nag-sasalita mag-isa.
Isang ideya ang pumasok sa isip ni Bridgette. "C'mon girls. Ipapamukha natin sa scandal girl na iyan kung gaano siya kamukhang baliw!"
Lumabas na sila sa pinagtataguang pintuan at nilapitan si Olivia. "Hello Olivia!" Nakakalokong bati ni Bridgette. Mapang-asar. "Sinong kausap mo?"
"Si R-ruvina..." May takot sa boses ni Olivia.
Well, para kay Bridgette ay normal lang na katakutan siya. Unica iha kasi siya ng mga makapangyarihang-tao sa lugar nila. Ang daddy niya ay isang mayor at ang mommy niya ay congresswoman. Malakas ang loob niya na gumawa ng lahat ng gusto niya sa school dahil alam niyang walang pwedeng magpatalsik sa kanya roon. Takot lang ng mga ito sa magulang niya.
"Pwede mo ba kaming ipakilala kay Ruvina?" At nakakalokong naghagikhikan silang apat.
"S-sige. Ah, Ruvina...Sila sina Bridgette, Charina, Emm--"
NAPATIGIL sa pagsasalita si Olivia ng biglang magtawanan sina Bridgette. "Bakit kayo nagtatawa?"
"Eh kasi nababaliw ka na!" Sabi sa kanya ni Bridgette. "Ganyan ba ang epekto ng iniwan ng kaibigan?"
"Ano bang pinagsasabi niyo? Nababaliw? Hindi ako nababaliw!"
"Gaga!" Sigaw sa kanya ni Thea. "Tatanggi ka pa eh kitang-kita namin na nagsasalita ka mag-isa. Hindi ba't baliw lang ang kinakausap ang sarili? Hahaha!"
Napatingin si Olivia kay Ruvina. Ibig sabihin hindi nakikita nina Bridgette si Ruvina? Pero bakit? "May kausap ako. Heto siya oh. Si Ruvina!"
Naka-crossed arms na sinagot siya ni Bridgette. "Sorry. Wala kaming nakikitang kausap mo. Luka-luka ka talaga Olivia! Hahaha!"
Bakit? Siya lang ba ang nakakakita kay Ruvina?
Pagtingin niya kay Ruvina ay natakot siya ng biglang magbago ang anyo nito. Naging maputla ang balat nito. Nawalan ng sigla ang mukha nito at napuno ng dugo ang buong damit nito.
"Ahhhhhh!!!" Malakas na napasigaw si Olivia sa nakitang nakakatakot na anyo ni Ruvina. Isang multo si Ruvina!
Tatakbo sana paalis ng rooftop si Olivia pero pinigilan siya nina Bridgette. "And where you think you're going? Hindi pa kita nasasampal, right? Para mabawasan ang kabaliwan mo you need a slap. Don't worry. Pasasalamatan mo pa ako after this!"
Hinawakan pa siya sa baba nito. "Bridgette...Huwag. Maawa ka. Tama na please. Wala naman akong---" At lumagapak sa kanyang pisngi ang malakas na sampal ni Bridgette. Nang bitiwan nito ang baba niya ay nanghihina na napaupo siya habang sapo ang nasaktan at namumulang pisngi.
"You deserve that! Baliw!" Sigaw ni Emma.
"Girls...Mas masaya siguro kung maraming audience ang makakakita sa kabaliwan ng scandal girl na ito, diba? Mas mapapahiya siya..." Suggest ni Charina.
Sumang-ayon si Bridgette. "OK. Tawagin niyo pa ang iba pa nating classmates at papuntahin niyo dito sa rooftop! That would be fun!" Utos pa nito.
Biglang napatingin si Olivia kina Bridgette. "Huwag...Wag naman Bridgette." Pagmamakaawa niya.
"Sige na. Ako na ang magbabantay sa scandal girl s***h luka-lukang ito. Baka tumakas pa eh!" Pagkasabi noon ni Bridgette ay umalis na sina Thea para tawagin ang iba pa nilang classmates. Silang dalawa na lang ang natira doon.
"Bakit niyo ba ito ginagawa sa akin? May nagawa ba ako sa inyo na hindi niyo nagustuhan?" Umiiyak na tanong ni Olivia.
"Tss. Too much drama! Ginawa? Actually, wala naman. TRIP ka lang namin. Ang mga katulad mo kasi ang masarap gawing human toy!" Nakangising sagot ni Bridgette.
"Toy? Laruan ang tingin niyo sa akin?" Hindi makapaniwalang sagot niya. "Napakasama niyo!" May gigil ang pagkakasabi niya noon.
Tinawanan lang siya ni Bridgette. "You are flattering me. Yes, masama ako. Kami! At hindi magiging exciting ang mundo ng wala ang mga taong katulad namin."
Napatayo si Olivia. Aalis na sana siya pero hinila siya sa buhok ni Bridgette. "Wag mo ako talikuran!"
Nanlaki ang mga mata ni Olivia ng makita niyang lumitaw sa harapan ni Bridgette ang duguang katawan ni Ruvina. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Bridgette. Malakas na napasigaw si Bridgette. Marahas niyang binitiwan si Olivia at nagtatakbo ito papunta sa nakabukas na pinto para makalabas sa rooftop. Pero tila may isang malakas na hangin na nagtulak upang magsara ng kusa ang pinto.
Paglingon ni Bridgette sa kanyang likod ay muli siyang napasigaw ng makitang papalapit na sa kanya ang isang duguang babae!
"Bridgette. Andito na ang mga classmates natin!" Narinig ni Bridgette.
Kinalampag ni Bridgette ang pinto. "Help me! Tulungan niyo ako!"
Papalapit na ang nakakatakot na babae. Tumutulo sa katawan nito ang malapot na dugo.
"What's happening Bridgette?!"
"M-may babae! She's freaking me out! Help me!!!"
"Buksan mo ang pinto!"
"I can't! Help me! f**k!" Nagpapanic at takot na si Bridgette. Muling nilingon ni Bridgette ang babae at ngayon ay talagang nakatayo na ito sa likuran na. Sa sobrang takot ay nabuwal si Bridgette. Para itong nababaliw na nagsisigaw ng mula sa bibig ni Ruvina ay may lumabas na mga ipis at nagsipag-gapangan sa semento papunta sa binti ni Bridgette. "Tulungan niyo ako! Parang awa niyo na!" Umiiyak na sa takot si Bridgette. Napapalahaw na siya ng iyak ng malakas na tumawa si Ruvina. "Mommy! Daddy!" Atungal pa nito.
Doon na biglang bumukas ang pintuan. Biglang nawala si Ruvina sa paningin ni Olivia.
Naabutan na lamang ng mga classmates nila ang nakatulalang si Bridgette habang nakasalampak sa sahig at gulo-gulo ang buhok...