Napabalikwas ng bangon si Kristine nang makarinig ng sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto. Pupungas pungas pa siyang bumangon and check the time on her phone at napaunat siya ng makitang alas nwebe na pala ng umaga. Napasarap ang tulog niya kagabi dahil sa namagitan na naman sa kanila ni Calvin. Halos ito kasi ang laman ng isipan niya buong magdamag at nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman nito. Ipinilig niya ang ulo at nagtungo na sa pinto para tignan kung sino ang kumakatok. "G-good morning!" Alanganing bati niya ng mapagbuksan si Calvin. Nakahalukipkip itong nakatayo sa harap niya. "I need to go to my office now, and I just want to remind you that you cannot go back to that radio station--- I will tell one of our maid to accompany you here tonight alright?" Napamaang siya

