Nasa sasakyan na sila ni Calvin at paalis na sa office nito. Wala silang imikan habang nasa byahe and as usual magkatabi silang nakaupo sa likuran ng sasakyan at si Homer ang nagdi-drive. "San po tayo sir? Diretso po ba sa Cavite?" Tanong ni Homer kay Calvin and she saw him stare at his boss in the rearview mirror. "We need to eat first--- dun tayo sa paborito kong restaurant Homer." Tugon naman ni Calvin sa pormal na tono. "Okay sir." Sagot ni Homer. Kristine felt out of place that moment at pakiramdam niya hindi siya nag-eexist dahil sa kalamigan ng pakikitungo ni Calvin sa kanya. After about 20minutes ay huminto sila sa tapat ng isang Italian inspired restaurant at napansin niyang parang pang mayaman ang kainang iyon dahil sa mga taong pumapasok. Bumaba si Calvin sa sasakyan haba

