"Hello iha kumusta?--- whoa ang cute cute naman nitong apo natin honey." Nakangiting bati sa kanila ng asawa ng daddy ni Calvin. "H-hello din po mam a-at sa inyo po sir." Magalang at nahihiyang bati niya sa mag-asawa. "Tawagin mo na lang akong tita iha at halika pasok tayo sa loob,. Siya nga pala umalis lang saglit si Calvin at may aasikasuhin daw kaya kami muna ng daddy niyo ang bahala sa inyo, pakarga naman nitong apo ko." Saad pa ng ginang na nakangiti at mukhang napakabait. Ibang iba sa personalidad ng mommy ni Calvin na masyadong istrikta at very straight forward at madalas na nakakainsulto ang mga sinasabi nito. "It's nice to meet you iha-- magaling talagang pumili ng babae ang anak ko manang mana sa akin." Natatawang biro ng daddy ni Calvin na mukha ding mabait at warm na tao.

