CHAPTER 9 – PART 1 Today is Friday. Pagkatapos ng classes nila Ade and Aurora at 4:00 pm ay bumalik sila agad sa dorm para mag ready papuntang airport. Their jet was waiting for them. Bago umakyat sa jet ay napapailing sa paghanga si Ade. “Iba talaga pag mayaman. Kapag sobrang mayaman.” Sambit niya. Natawa si Aurora sa narinig mula dito. “That’s why you should stick with me.” She gave her a side glance. Pinulupot naman ni Ade ang braso nito sa siko niya. “Till death do us part, signorina.” “Baliw.” Tanging sambit niya at nagpatiunang umakyat ng hagdan. An hour after ay nakarating na sila sa Rome. May kotse ng naghihintay sa kanila palabas ng airport. Si Ade ay sinundo ng mamma nito. Naka on leave ang ina ni Ade for that weekend para maka bonding ang anak kaya ibang chef ang mag

