Chapter 13 | Money & Love

1038 Words
[Continuation to Luis' POV] "Yvie, I'm so glad na yung kapatid mo ay maayos na ang lagay...at ikaw ren." ani ko. "Salamat Luis ah...ano palang ginagawa mo dito?" tanong ni Yvie. "Magkaibigan din pala kayo ng Boyfriend ko?" dagdag niya. "Ah, actually ano uhm...oo we're friends pero ngayon lang kami naging super close ahaha!" ani ko. "Oh? Magkatrabaho ba kayo? sa Pelㅡ" naputol ang sasabihin ni Yvie ng biglang magsalita si Zach. "Ah! Oo! Yes! magkatrabaho kami ni Sir.Luis, right?" tanong saakin ni Zach, anong pakulo ng lalakeng ito? "Ah, Yes!" sabi ko. "By the way, nakuha niyo na ba ang Bills sa dito Hospital? masyado bang mahal?" tanong ni Zach. "800,000 Pesos daw anak." sabi ng nanay ni Zach. What?! 800,000? "Huh? bakit sobrang mahal naman po yata?" tanong ko habang napahawak naman si Zach sa kanyang mukha. "Dahil kaylangan operahan ang Binti nitong si Rizzy para makalakad pa daw siya at malagyan ng support ang buto niya sa binti, paghindi daw na-operahan ay puputulin nalang daw ang kanang paa niya." malungkot na sabi ng nanay ni Zach. "Ganoon po ba?" ani ko. "I don't really know what to do next..." mahinang sagot ni Yvie na naluluha pa. Si Zach naman ay niyakap siya, Tsk! Required bang yumakap? "Hayaan mo Yvie, gagawan natin ng paraan iyan." ani ni Zach. "Susubukan kong humiram sa mga kakilala ko anak." dagdag pa ng nanay ni Zach. Mabuti nalang ay pinanganak akong mayaman at hindi ko nararanasan ang ganito. Lumipas ang mga ilang araw, habang nasa trabaho ako ay tinawagan ko si Yvie at sinagot naman niya ang tawag ko. "Hello Yvie? ano, Kumusta na? nakahanap na ba kayo ng pampa-opera?" tanong ko. "Hindi pa Kumpleto Luis...Wala pa kami sa kalahati ng 800,000..." mahina nitong sagot. "Eh si Zach nasaan? bakit wala siya sa trabaho ngayon? wala siya sa cubicle niya oh?" tanong ko ulit. "Ah, pasensya na ah nadadamay pa yung trabaho niya sainyo. Naghanap kasi siya ng mahihiraman ng pera sa mga kakilala niya eh." ani niya. Uuhh...poor Zach, at ngumiti naman ako. "Yvie, pwede ba tayong magkita ngayon?" paalam ko. "Ano? sorry Luis masyado akong abala ngayon eh, sa susunod nalang okay lang ba?" sabi niya. "No, related naman ito sa Operation ng kapatid mo kung bakit ko gusto makipag-kita sayo." ani ko. "Sigurado ka? Si...sige i text mo ako kung saang lugar." sabi niya. [Yvie's POV] Pumunta ako ngayon dito sa Condo Unit ni Luis, Dito niya kasi ako pinapupunta para makipagkita sakanya. Umakyat ako sa 9th floor ng Building at nakita ko na ang Unit number niya na ibinigay niya saakin. Nag-doorbell ako at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pag pasok ko palang ng Unit niya ay amoy na amoy ko na agad ang amoy ng pagiging mayaman, Black and Gold color scheme ang unit niya at may glass chandelier. Parang gawa yata sa marble ang sahig niya at makikita mo ang repleksyon mo sa mala-salaming sahig nito. "Halika Yvie, umupo ka muna." hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa sobrang lambot at luxurious na couch. Binigyan niya rin ako ng selections ng mga pwede kong mainom, may Water, Juice, Tea, Milk at Coffee. Sabi ko water nalang at binigyan niya ako ng isang glass ng malamig na tubig. Grabi, hanggang sa baso pangmayaman talaga. Umupo siya sa tabi ko at kinausap muna ako about nga doon sa hindi pa nabubuong pera na pang-opera ng kapatid ko. "Yvie, alam mo kasi...m...may" napuputol niyang sabi saakin. "May?" tanong ko. "May...tinatago akong feelings sayo..." sabi ni Luis at nagulat ako sa sinabi niya. Why me? Hindi ako nakapag-salita agad sa gulat. "I know it's not the right time to confess this feelings but trust me Yvie...i will do everything for you!" ani niya. H...Hindi ko maintindihan ang bilis ng t***k ng puso ko ano ba ito? "UhㅡLu...luis...bakit ako?" lito kong tanong. "Because I love you, Yvie! Yes...I really do." sabi niya at ipinalaman niya sa dalawa niyang kamay ang kamay ko pero ilang saglit pa ay hinila ko iyon. "Hindi Luis...M...mali ito..." ani ko. "Yvie, Hindi. Hindi maling mahalin ka. Yvie, kung papayag ka maging tayo...ibibigay ko lahat! lahat ng gusto mo...pati yung 800,000 na kaylangan mo para sa surgery ng kapatid mo kaya ko ibigay iyon ora mismo." sabi ni Luis. Tumingin ako sa mata ni Luis at nakikita ko sakanya na sincere siya sa sinasabi niya...paano si Zach? paano ang nobyo ko? mahal na mahal ko si Zach! pero mas mahal ko naman ang kapatid ko! Napaka bilis ng t***k ng puso ko at gulong-gulo ang isip ko at hindi ako makapag-isip ng maayos. Zach..."Ano Yvie?" tanong ni Luis sa itsurang parang nagma-makaawa siya na maging kami. Matagal ko na gusto mai-ahon ang mga kapatid ko sa hirap ng buhay na pinagdadaanan namin. Ang sahod ko sa trabaho ay hindi sapat saaming tatlo at sa mga pangangailangan namin. Marami din akong pangarap sa buhay tulad ng ibang tao na gusto ko ring matupad. "Yvie...May ipakikita rin ako sayo." ani ni Luis. "A...ano iyon?" tanong ko and then he turned on his phone at ipinakita niya saakin ang isang litrato na may kaharap si Zach na isang babae sa kanyang trabaho. Inaabutan siya nito ng parang kape at tinanggap niya ito ng nakangiti. "Yvie...niloloko ka ni Zach." ani ni Luis. "A...ano? Hindi! hindi magagawa ni Zach iyon!" sambit ko. "Yvie, ito na ang Ebidensya oh? wag kang magpapaka-tanga sa lalakeng ito. Ilang beses ko narin sila nakita ng babae nayan na nagsasabay sa Elevator pag-papasok sa trabaho. Yvie hindi ko lang sinasabi sayo dahil ayokong masaktan ka!" sabi nito. At nagsimula na akong mapaiyak sa nararamdaman ko. "Yvie, niloloko ka lang ni Zach! kaya nga kinukuha kita para ako na ang pumalit sa buhay mo. Yvie hindi mo deserve ang mahirap na lalakeng iyon. Ako! ako ang deserve mo Yvie, dahil kaya kitang i-angat sa buhay! iyang kapatid mo, kaya kong ipa-opera ngayon na mismo para makalakad na siya ulit. Eh si Zach? kaya niya ba iyon?" at tinakpan ko ang mukha ko dahil sa aking iyak na palala ng palala. "Ano Yvie? mamili ka...Si Zach parin ba na walang magagawa para mai-angat ka sa buhay?" tanong ni Luis. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD