Chapter 5 | Terror Suzy

1003 Words
[Zach's POV] Pagkalabas ko sa Interview room ay sinalubong ako agad ni Lily ng excited. "Oh my god, Zach Natanggap ka rin ba?" galak na tanong nito at tumango ako bilang pagsagot sa tanong niya. Tapos napatili siya ng mahina at niyakap ako ng mahigpit ahaha! Naiintindihan ko siya bakit niya ginawa yon, ako rin naman, gusto ko rin yakapin ang sarili ko sa First Achievement ko dito sa Pelia Foods Company. Siguradong matutuwa sina Inay at Itay sa balita ko sakanila pag uwi ko. Napa-hinga ako ng malalim para mai-release ang kaunting kaba na namuo sa dibdib ko kaninang Interview. Naglalakad kami ngayon ni Lily papunta sa Caféteria sa baba para mag-chill muna dahil sa pressure sa Interview. Pero habang naglalakad kami ay mayroon akong lalakeng nakabangga, hindi ko siya nakita kasi nakaharap ako kay Lily. "Oh, what theー! Hindi ka kasi nag-iingat eh diba?!" singhal sakin nung lalake na parang isang taon ang bata saakin. "Nako po! pasensya na kayo hindi ko kayo napansiー" tapos pinutol niya ang sinasabi ko. "Hindi! Sa kumpanyang ito bawal ang tatanga-tanga kaya umayos ka. And, applicant ka palang pala dito pero napaka careless mo na? ahaha! What if kung dito ka na nagtatrabaho?" sabi nito saakin na parang nangiinsulto. "I'm so sorry, hindi ko po talaga kayo napansin sa daan." paumanhin ko. "Hey, Don't you know who i am? i am theー" naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating si Suzy, ang babaeng nakasabay ko sa Elevator kanina na kaibigan naman nitong si Lily. Lumapit siya samin at parang nakakatakot siya dahil ang bigat ng tunog ng stiletto niyang suot bawat hakbang niya. Mukha talaga siyang isa sa mga kagalang-galang na Nagtatrabaho dito sa Pelia Foods. "Ano nangyayari dito?" tanong ni Suzy. "This man, nabangga niya ako and muntik na akong matumba!" galit na sumbong nitong lalake na nakabangga ko. "Sinasadya man niya o hindi that doesn't mean na pwede mo na siyang sigaw-sigawan dito sa Hallway, Luis. Can't you see that signage? Keep Quiet." malamig na sabi nito. "Sir.Luis, he's an Applicant kaya wag mo siyang pakitaan ng ganyang ugali dahil pwede maging issue ito sa labas. Atsaka kilala ang Kumpanya natin as maraming Friendly and Kind Employees right? Please be Professional." dagdag pa nito. Napatahimik naman si "Luis" sa kinatatayuan nito pati ang lalakeng kasama niya. "I...I'm sorry Ms.Suzy i got carried away, Nagulat lang kasi ako." Sagot nito sa pormal na tono. "Sir.Luis, kay Applicant ka mag-apoligize 'wag saakin." ani ni Suzy. Humarap naman saakin ang lalake ng dahan-dahan. "I'm so sorry for what I've done earlier. Masyado akong Overreacted, Sorry." Mahinahon nitong sabi saakin. "Ako dapat yung mag-sorry sainyo Sir, I...I'm so Sorry kasalanan ko poー" naputol ang sasabihin ko dahil "Tapos na, Let's move on. Sir.Luis, mauna na kami." biglaang paalam ni Suzy at sumangayon naman ang Lalake na nakabangga ko. "Lily and Zach, Let's go." malamig nitong sabi saamin ni Lily kaya sumunod kami sakanya. ilang saglit pa ay nakarating na kami sa Caféteria at ewan ko bakit hanggang ngayon ay kasama ko sila, hindi naman nila ako kaibigan. Grabi, nanlamig ako sa dating ni Suzy kanina. Hindi ko inaakala na ganoon pala siya kalakas sa Kumpanya na ito. Pero sino nga ba ang lalakeng iyon? Luis...Jang? Naputol kasi yung sasabihin niya kanina nung ipakikilala niya na ang sarili niya eh. "Zach, are you okay?" tanong ni Suzy saakin. "Uhーha? Oo naman. ahaha! Uhm...Thank you kanina ah?" ani ko. "Thank you saan?" tanong niya. "Kasi pinagtanggol mo ako kanina doon sa Lalake." Sabi ko ng nakangiti. "Zach, wala iyon. 'Wag kang papayag na ginaganon ka lang niya. Hindi porki CEO ang tatay niya dito sa Kumpanya eh pwede na siya mang-insulto ng mga mas mababa sakanya. Ang ayoko sa lahat ay yung may inaapi at tinatapakan." malamig nitong sambit saakin habang nakatitig sa mga mata ko. Grabi, para akong naku-kuryente sa Titig niya, ano bang mayroon sa babaeng ito? Napaka pormal at seryoso niya kung ikukumpara ko kay Yvie na nobya ko. Pero ano? CEO ang tatay nung lalake kanina? Wow! "C...CEO?" gulat kong tanong. "Yes, CEO kaya may attitude din ang lalakeng iyon. Tingin niya kaya nyang makuha ang lahat." ani nito at bigla namang nagsalita si Lily. "Wow, nagsalita ang hindi Attitude." tapos tumawa ito ng mapang-asar kaya binato siya ni Suzy ng Plastic Wrap at inirapan. Ahaha! This Girl...She's so Complicated. [Suzy's POV] Matagal-tagal din kaming nagkwentuhan na tatlo. Kung ano-ano lang pinag-uusapan namin like Life Backgrounds, Social Media Trends, Foods etch. Tapos 6pm na pala ang bilis ng oras huh? Nagpaalam samin si Zach na may susunduin lang daw siya tapos uuwi na. Pero bago pa siya makalayo ng tuluyan ay tinawag ko siya "Congratulations, Zach." bati ko ng nakangiti. "Tama ba itong nakikita ko? Nakangiti ka Ms.Suzy? ahaha! pero...Thank you at Thank you ulit sa pagtatanggol saakin kanina. See you soon!" paalam nito at nagpaalam narin si Lily sakanya saka siya umalis ng tuluyan. This Guy...I really like him. "Bes! Bes! Huy!" napalingon ako kay Lily ng biglaan dahil napatitig ako kay Zach habang lumalayo siya. "Bakit?" tanong ko. "Halika na! Retouch na tayo! kaylangan maganda parin tayo pag umuwi!" masayang sabi nito saakin. "Bes? I...I don't know what to say pero...I...I really like him." mahina kong sabi. "Hm? sino si Zach?" tanong niya at bigla kong tinakpan ang bibig niya, hay nako si Lily talaga! "Ano ba bes?! ang ingay mo talaga para kang naka-Mic!" saway ko sakanya. "Sorry!" mahina niyang paumanhin. "Kailan kayo magsisimula?" tanong ko. "Sa isang bukas bes, OMG! Crush mo siya?" tanong ni Lily na kinikilig. Tumango naman ako ng may ngiti sa aking labi, kanina-kanina lang napaka seryoso ko at eto naman ngayon lumalabas na ang kabilang side ko. Kanina palang sa Elevator ay tinamaan na talaga ako sa lalakeng iyon. Tapos tumili ng mahina si Lily at tinapik ko naman yung balikat niya dahil baka may makarinig sakanya. Hay~Ang saya-saya ko ngayon ah? ahaha! [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD