Magandang Simula

1105 Words
Nanalo sa laro sila Zandro at bilang celebration kahit unang laro pa lang kakain sa labas ang buong team.. Ayaw na sana nyang sumama kaso pinipilit siya ng grupo.. Gusto pa naman nyang hanapin ang babaeng nagpapagulo sa utak nya. Ang babaeng gusto niyang makilala. Hindi pa niya nakita ulit ito kaya pursigido siyang hanapin ang dalaga. Saan ka na ba? Makita lang kita saglit masaya na ako. Dalangin nya ngunit hindi nya talaga makita ang dalagang nagpagulo sa kanyang sistema. Sana sa susunod makita na kita. Hindi na kita tatantanan talaga. Sambit pa ni Zandro at palinga-linga. Nagbabakasakali siya na masilayan uli ito. Tinitingnan na lang sa malayo ni Mayumi si Zandro habang pasakay ng kotse nito. Mukhang may celebration pa ang grupo dahil sa pagkapanalo nila. Hindi man niya masabi sa binata na masaya siyang nanalo ang grupo nito, alam naman sa kaibuturan ng puso niya masaya siya sa pagkapanalo nito. Lalong nainis si Zandro ng sumakay din sa kotse niya si Missy. Para na itong higad na dumidikit sa kanya. Hindi naman niya ugaling magalit kasi hindi siya ganung klase ng lalaki. Hanggat kaya niyang makisama, makikisama siya. Ayaw sana pasabayin ni Zandro si Missy sa kotse kaso nagpumilit ang huli na sumama sa celebration. Game na lang siyang pinasakay sa kanyang sasakyan at wala na daw itong pwesto sa ibang ka-team mate niya na may dalang sasakyan. Salamat at pinasama mo ako sabi ni Missy. Hindi kita pinasama, ikaw tong nagpupumilit, supladong saad ni Zandro. Ay suplado naman, congrats dear ang galing mo talaga sabi ni Missy.. Bakit ba gusto mo sumama eh celebration namin to? Hindi ka naman kasama sa team. Tanong ni Zandro Gusto lang kitang makasama, masama ba yun dear.. Balik na tanong ni Missy.. Hindi naman. At huwag mo akong tawaging dear, hindi tama yun.. Hindi rin naman tayo magkaibigan, parents lang naman natin ang magkaibigan Missy.. Atleast we can be friends too. Sagot ni Missy na nagpapacute pa kay Zandro. Sabi mo eh.. Pagtatapos na lang ni Zandro. Ayaw na niyang lalo pang humaba ang pag-uusap nila nito. Ayaw naman niyang maging bastos kaya pumayag na siyang makisabay ito sa kanya. Gusto lang nya makilala ang babaeng kinakainteresan nya.. Ito sana ang hinihiling niya na kasama niya sa sasakyan. Sana makita pa kita, hiling ni Zandro at tumingin pa ulit sa paligid sa huling pagkakataon bago pinaharurot ang sasakyan. Napasarap ang celebration ng pagkapanalo ng grupo at natuloy sa unting inuman. Hindi na nakaalis si Missy at wala ng magawa si Zandro kundi ihatid na lang ang babae.. Ayaw man nyang makasama ang babae.. Hindi rin nya maidispatsa ito. Baka isumbong pa sa magulang nya ang hindi magandang pakikitungo niya dito. Baka magalit din ang magulang nya sa kanya na ayaw nyang mangyari. Hindi siya masamang anak kaya sumusunod siya sa pakiusap ng mga ito na pakitunguhan ng maayos ang dalaga kahit labag sa loob niya. Kinabukasan Habang patawid sa daan, hindi napansin ni Mayumi na may parating na sports car. Napansin na lang nya na malapit na ito at pumikit na lang siya kung mababangga nga siya nito. Opppss.. Sh***t.. Mura ni Zandro. Ano ba naman to, bakit may hindi marunong tumawid.. Galit na sambit ng binata. Bigla siyang napababa kasi mukhang naestatwa na lang ang muntik na nyang mabangga.. Bigla lang syang nabuhayan ng mapagtanto na ang matagal na nyang hinahanap at ang babaeng ayaw magpatulog sa kanya ang muntik na nyang mabangga. Kung susuwertihin ka nga naman.. My babe is here.. Ngiting pamatay ni Zandro. Sorry babe, I wasn't looking my way.. I'm sorry. Sabay yakap sa babae na mukhang hindi pa nahihimasmasan. Babe, tinawag nya akong babe, oh my si Zandro tinawag akong babe. Kinikilg na saad ni Mayumi sa sarili. Oh mahal ko.. Piping sambit ni Mayumi.. Ang saya-saya ko. Sige lang yakapin mo lang ako mahal ko. Libre lang yan. Paghaharot niya sa isip. Ayaw naman niyang ibulalas iyon at baka ano ang isipin ni Zandro. Ayaw niyang isipin nitong easy to get siyang babae. Dapat Maria Clara pa rin siya sa paningin. Dagdag sambit niya sa sarili habang ninanamnam ang yakap ng binatang natitipuhan. I'm so sorry. I wanna make it up to you babe.. Can you go with me outside? I just want to know you better, please... samo ni Zandro na nagpapacute.. Talaga? Takang tanong ni Mayumi. Oo naman.. Bakit hindi.. Tanong din ni Zandro. Kasi ang pangit ko, hindi katulad ng mga babaeng nakakasalamuha mo.. Katulad nung isang araw.. Ung nagpakuha kayo ng larawan sa akin. Dere-derechong sabi ni Mayumi na pinagtaka ni Zandro... Nagseselos ka ba? Tukso ni Zandro kay Mayumi. Natahimik lang si Mayumi kaya Ngumiti na lang si Zandro. Joke lang babe.. Ito naman kaw lang sapat na, ngising dagdag pa ng binata na hindi mawala ang killer smile para sa dalaga. Anu? Takang tanong ni Mayumi sa mga pinagsasabi ni Zandro. Sa pagtawag ng babe sa kanya at kung anu pang sinasabi nito.. Pwde naman kitang tawaging babe dibah. May magagalit ba babe? Tanong uli ni Zandro na ngpapacute.. Ewan nya bat gusto nyang landiin ang kaharap na dalaga. Ang saya-saya tuloy ni Mayumi dahil nadinig na ang dalangin nya na makasama ang mahal nya at babe pa ang tawag sa kanya.. Ang saya saya nya. By the way I'm Zandro Villamayor and you are? Sabay abot ng kamay nya sa babaeng nagpapagulo ng kanyang utak. I'm Mayumi Diaz. Kiming sagot ng dalaga Nice name, bagay sayo babe.. Mayumi.. Zandro at Mayumi, bagay na bagay. Sabay kindat ni Zandro.. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Mayumi dahil sa magkasugpong ang kamay nila ng sinisinta. Prayers do come true, thank you Lord. Makilala lang siya ang hiling ko pero kasama ko siya ngayon. Ang lakas ko naman sayo. Sambit sa isip ni Mayumi at nakangiting pinagmasdan ang lalaking kasama. Ang saya nya na nakadaupang palad na nya ang taong may malaking pitak sa dibdib nya.. Ang tanong pinakamamahal nya. Ano pwde na ba kitang makasama kahit merienda lang para makilala kita ng lubusan? Tanong ni Zandro.. Oo naman pwde basta ba hindi mo ikakahiyang kasama mo ang isang makalumang babae na kagaya ko.. Sambit ni Mayumi.. Oo naman, I don't care babe as long as you are with me.. Ngiti ni Zandro. Lord totoo ba ito? Tanong ni Mayumi sa kanyang isip. Ang saya ko po, piping sambit uli niya. Habang kumakain, ang daming nakatingin sa kanila at nagtataka kung bakit magkasama ang isang ubod na gwapong lalaki at nerd na katulad nya. Hindi na iyon pinansin ni Mayumi, ang importante sa kanya ay ang kasalukuyang nangyayari, ang makasama ang mahal nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD