Overtime si Joyce ng unang araw at malapit lang naman ang bahay niya pero pinauwi ko na rin sya bandang alas siyete. Tinanong ko sya kung ok lang sa kanya ang ganoong trabaho at ganoong sweldo. Ok naman daw sa akanya at wala naman daw syang ginagawa sa bahay. Para kahit paaano daw ay may kitain din sya kesa nakatunganga lang sa bahay nila. Madali lang naman ito kapag nasanay ka na at di naman araw-araw maraming customers. May time na wala ngang bumibili sa isang araw. “Ok po ate. Salamat po. Bukas na lang po ulit.” “Ok. Ingat ka. Kahit alas diyes ka na pumunta bukas.” Kinabukasan ng umaga ay naghiga-higa pa ako pagkagising ko. Tulog pa rin naamn ang dalawa at mamaya, naroon naman si joyce at sya muna ang bahala sa mga gawain. Feeling ko makakapahinga ako ng araw na iyon. Nakatanggap a

