“Ingat ka sa pagda-drive ha. Hwag masyadong mabilis,” bilin ko sa aking asawang papasok na sa opisina. “Opo. Dahandahan lang. Maingat kaya ako.” “Trentang takbo lang ha. Hwag lalampas doon.” “Ano? Kelan pa ako darating sa office?” apila pa ng lalaki sa bilin ko. “Basta mag-ingat ka ha,” I hugged and kissed him bago umalis. Magmomotor na lang daw sya dahil sa taas ng gas. Para daw tipid at di sya mahirapan sa parking. Kokonti lang kasi ang slot ng kotse at maraming mas maagang pumapasok sa kanya. Nagsimula na ako sa aking trabaho habang tulog pa ang dalawang bata. Nasa apartment na kami at tuwing weekend kami umuuwi kina papa. Nagkabaligtad na ang schedule namin at mas naramdaman kong mas masarap ang nakabukod kahit mas maraming gawaing bahay akong ginagawa. Mas tahimik kasi at iwas

