Sa gabi ay halos wala na rin akong time para sa kanya. Pagkakain ay didiretso na ako ulit sa room kung saan naroon ang mga paninda ko. May ilang orders tapos, magpapack, sasagot sa mga inquiries at magpopost pa ng pictures sa internet. Masyado akong nawili sa bago kong ginagawa pero di naman nagreklamo ang aking asawa. Naramdaman kong nawawalan ako ng atensyon sa kanya kaya sinubukan kong tapusin ang mga gagawin ko ng araw ng Sabado para kay Angelo lang ako ng araw ng Linggo. Maaga akong nagising and I cook for him. Para sa aming lahat ang luto kong sinigang na baboy tapos nagsearch ako ng mga movies na pwede naming panoorin habang ang dalawang bata ay nanonood din ng cartoons. Ok ang lahat at tahimik lang kaming nanonood at ngumangata ng sitsirya hanggang sa ilang beses na tumunog ang

