Pakasigaw Cassady ay bigla na lang bumagsak ang isa sa mga lalake na nakapalibot sa kanya dahilan para matumba rin siya paupo. Hindi niya na alam ang mga sumunod na nangyari dahil napapikit na siya at tanging ang malalakas na sigaw at hiyaw na lang ng mga ito ang narinig niya. Ganoon na lang ang pagtili ni Cassady habang nakadapa at tinatakpan ang ulo upang huwag tamaan ng mga nagbubunong lalake sa kanyang harapan. Tuloy tuloy lang ang kanyang paghagulgol sa sobrang takot dahil sa mga nangyayari. "Tulong! Ay!" malakas niyang tili muli nang madama ang isang mahigpit na kamay sa kanyang braso. "Cass hoy!" hatak na lang sa kanya ng lalake. Doon lang siya parang nahimasmasan at agad na nagmulat ng mata para tumingin sa lalaking nakahawak. "Jo...Jordan!" subok niyang tayo dahil sa mati

