Hindi mapigilan ni Cassady ang kaka-ayos sa kanyang buhok at damit habang naghihintay sa salas ng naturang bahay. Sa tagal na kasi nilang magkasintahan ay iyon pa lamang ang unang beses na ipapakilala siya ni Alex sa pamilya nito kaya naman hindi siya matigil sa pagpuna ng sarili, nais niyang maging maganda ang impression ng mga ito sa kanya upang hindi mapahiya ang kasintahan. Natigilan lamang siya nang madinig ang tila kung anong ingay mula sa taas ng kabahayan, naroon ang tila ba malakas na pagsisigawan kaya naman nakadama na lamang siya ng kaba. Makaraan ang ilang saglit ay napangiti na siya nang makita si Alex na pababa mula sa hagdanan, kunot ang mukha nito at mukhang nagmamadali, kaya naman agad siyang napatayo upang salubungin ito. "Baby, bakit naman ganyan ang mukha mo?" pili

