Encounters

1641 Words
“Oh kamusta pare? Ayos ka lang ba,” malumanay ng tanong ng kaibigan sa kanya. Batid niyang hanggang ng mga sandaling iyon ay nag-aalala pa rin ito dahil magdamag siyang hindi nagparamdam sa kaibigan, dulo’t na rin ng pagiging abala. Napangisi na lamang siya sa kung anong pakiramdam ng tuwa at pagmamalaki habang pinapakatitigan ang sobre na ibinigay sa kanya ni mam Barbara kanina bago siya umalis. "Oo pare, ang bait pala nina mam! Mantakin mo, binigyan nila ako ng pambili ng mga bagong damit at uniform ko!" magiliw niyang sagot sa kaibigan. Napahalakhak na lang ito sa kabilang linya. “Chineck mo ba iyon ibinigay nila sa iyo?” turan na lang ng kaibigan. Hindi niya napigilan ang magtaka sa bigla nitong sinabi kaya naman ganoon na lang ang pagkuno ng kanyang noo. “Hindi pa, nahihiya kasi ako kanina since paalis na ako noon nang ibinigay ni mam Barbara,” sagot na lang niya. Hindi na rin naman niya nagawang makapalag dahil bigla na lang iyon isinilid ng babae sa bulsa ng kanyang pantalon, habang hinihipuan siya nito kanina nang papaalis na siya sa naturang condo. Pasimple niya na lang na nilaro-laro at kinapa ang naturang bagay, at doon niya lang namalayan na medyo may kakapalan pala iyon. “Sure ako matutuwa ka, anyway nag-enjoy ka ba?” makulit na saad na lang ni Luke. Ipinagkibit balikat niya na muna ang naturang bagay at itinuon na muna ang atensyon sa pakikipag-usap sa kaibigan. Kasalukuyan na siyang papasakay ng elevator noon, kaya naman minabuti niya na lang na itago muna ang ibinigay nina mam Barbara. "Enjoy na enjoy!” ngising saad na lang niya nang muling maalala ang mga kaganapan kagabi. “Putang ina lang talaga pare, ang galing nina mam at tsaka ang bait pa!" Hindi niya mapigilan ang manginig nang tila madama nanaman ang mga haplos ng kamay ng dalawa sa kanya. Hindi niya lubos akalain na ang unang karanasan niya ay magiging ganoon katindi at ka-wild. Napahalakhak na lang muli si Luke sa kanya. “I know, I know, pero sa atin-atin lang ito ah, at huwag mo sasabihin kahit kanino iyon ginawa niyo,” paalala ng kaibigan. Wala sa sariling naapatango na lang siya. “Oo naman, mukhang conservative rin kasi si mam Elle no,” sambit na lang niya nang maalala ito. “Actually, kahapon ko lang rin siya nakita, kaya hindi ko rin siya masyado kilala,” sagot na lang nito. “Ay may tao na, tawag na lang ulit ako sa iyo ulit mamaya,” paalam niya kaagad nang mayroon maaninag sa pagbukas ng elevator sa isang floor. Agad na lang siyang napausog sa gilid sabay tagilid upang padaanin ang naturang tao, dahil na rin halos okupado niya na ang buong elevator sa liit nito. “Sige, ingat ka na lang sa pag-uwi ah!” natatawang sambit na lang ni Luke. “Sige, salamat pare,” sagot niya bago ito babaan. "Oh my god s**t!" malakas na tili na lang ng naturang babae nang mawala sa balanse habang papasok nang sumabit ang takong nito sa may siwang ng pinto. Sakto naman ang pagharap ni Jordan at ganoon na lamang ang kusang pagkilos ng kanyang mga kamay nang makitang susubsob na ang binibini sa sahig. Mabuti na lamang ang umabot siya sa pagyakap dito dahilan para mabuhat niya ito muli patayo. "Miss okay ka lang?" alala niyang sambit nang mapansin ang hitsura nito. Nanatili lang kasi itong nakayuko, nakatakip ang dalawang kamay sa mukha at tahimik lamang habang buhat-buhat niya. “Miss, miss!” muli niyang alog dito nang hindi pa rin ito kumilos. “Uhm, pwedeng pakibaba muna ako, iyong kamay mo kasi,” turan na lang ng babae na napayuko na lamang at baluktot. Napalubok na lamang si Jordan ng malalim nang mabatid ang dahilan noon, ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapansin na malambot at malalaki ang kanyang kinakapitan. ”s**t! Sorry miss, sorry!” Dali-dali na lang niyang ibinaba ang babae upang makatayo na muli. Halos ganoon na lamang ang pag-angat ng kanyang dugo sa mukha dahil sa sobrang hiya, lalo pa at hindi niya sadyang mahawakan ang malulusog na dibdib nito. Agad na lang napaayos ang babae, nanatili itong nakatalikod habang yumayakap sa sarili. "O...okay lang, kasalanan ko rin," nanghihinang sambit na lang nito. Napayuko na lamang siya sa panliliit dahil sa nangyari kaya naman ganoon na lamang ang pagkamot niya sa ulo upang pilitin tanggalin ang pagka-ilang. "Naku, buti na lang hindi ka nasubsob," sambit na lang niya habang pilit na ngumingiti. "Oo nga, thank you." Napangiti na lang rin ito Bahagya siyang napakunot ng noo nang mapansin at makilala ang pamilyar na boses na iyon. Dahan-dahan pa siyang napaangat ng mukha upang matingnan na ang babae at ganoon na lamang ang pag-iinit ng kanyang mukha nang makita na ito. "Ca...Cassady!" bulalas na lang niya sa kasama habang papasarado ang pinto ng elevator. Bahagya naman na napasalubong ng kilay ang babae nang bumaling sa kanya, pero agad din umaliwalas ang ngiti nito nang magkatinginan sila. “Uy, ikaw pala,” gulat na sabi na lang ng babae. Ganoon na lamang ang agaran na pagsaklob ng kung anong tuwa sa kanya nang maalala ng dalaga. Maliban roon ay hindi niya lubos maisip na magiging ganoon pa rin ang pakikitungo nito. "Pababa ka na rin ba?" magiliw na lang niyang sambit. "Oo," masayang sagot na lang nito na napaayos na lang ng buhok. "Dito ka rin ba nakatira sa floor na ito?" simula niya na lang dahil sa pagnanais na ipagpatuloy ang usapan. Hindi niya maipagkakaila na naroon ang matinding pagnanais niya na mas mapalapit at makilala ang babaeng hinahangaan at pinapantasya. "May binibisita lang," ngiting sagot na lang nito habang pinipindot ang button pababa. "Ah, okay." ngiting saad niya na lang bago muling mapayuko dahil sa pagka-ilang nang mamalayan niya na may hindi kaaya-ayang nangyayari sa kanyang katawan. Ganoon na lamang ang walang patid na paghinga niya nang maamoy ang halimuyak ng pabango nito, idagdag pa ang bigla na lamang pag-init ng kanyang palad nang maalala kung saan iyon napadako kanina nang saluhin niya ang babae. Tila ginising na lang noon ang kanina lang ay natutulog at naubos niya ng libido, kaya ganoon na lamang ang unti-unting pag-umbok ng p*********i niya sa kanyang pantalon. Dali-dali na lang niyang tinakpan ang parteng iyon dahil na rin sa takot na baka mapansin iyon ng dalaga, lalo pa at unti-unti na iyon bumabakat sa kanyang suot. Ang buong akala niya ay napawi at naubos na ang matinding libog sa kanyang katawan dahil sa magdamag na ginawa, subalit tila parang ganoon na lamang ang muling panunumbalik ng parehas na lakas noon sa kanya, lalo pa nang sumagi sa kanyang alaala at isip ang lambot ng dibdb ng babae at ang hitsura ng litrato nito na madalas niyang dala-dala. Naputol lamang siya sa pagmumuni-muni nang madama ang kakatwang pag-uga ng kanilang kinalalagyan, sabay pa silang nanlaki ang mata nang madama ang matinding pag-uga ng sinasakyan. "Oh my god!" tili na lang ni Cassady sa biglaan pagtigil noon. "s**t!" Napahawak na lang siya sa railings ng naturang kinalalagyan upang hindi mawala sa balanse nang mapasubsob na lamang sa kanya ang kasama. Ganoon na lamang ang malakas na pagtili ni Cassady nang biglaan na lang mamatay ang ilaw, roon kasabay ng pagtigil ng kanilang pag-andar. Tanging ang pulang ilaw sa loob na bigla na lamang sumindi ang nagsisilbing liwanag nila, kaya naman mabilisan na lang niyang kinuha ang kanyang telepono upang pailawin iyon. "Anong nangyari! oh my god! oh my god!" taranta na lang na sambit ni Cassady habang sunod-sunod na hinahampas ang pintuan. Nawala ang pagkakalma nito at halos parang na-iiyak na ang boses ng mga sandaling iyon kaya naman ganoon na lang ang pag-aalala niya. "Kalma lang tayo!" subok na hawak niya para patigil ito. Subalit parang hindi siya nito naririnig dahil dahil sa sobrang takot at pagkabalisa ng mga sandaling iyon. Ni hindi na nga nito napapansin ang higpit ng pagkakawak niya at pagkakapulupot ng mga kamay niya sa katawan nito. Napalunok na lamang si Jordan ng malalim nang mamalayan ang kasalukuyan laga, naroon siya sa isang madilim na silid kung saan walang nakakarinig, walang nakaka-alam at nakakakita, kasama ang babaeng palaging nasa panaginip niya. Ang mga bagay na isinantabi niya kanina ay mabilis na nagbalik sa kanyang isipan, dahilan para magulo nanaman ang kanyang pakiramdam ng mga oras na iyon. “Ang init, bakit walang hangin, hindi ako makahinga!” hagulgol na lang ni Cassady na halos hindi na matigil sa kakapaypay sa sarili. "Cass, kalma ka lang!" aligaga na lang niyang sambit nang mapagtanto ang maaaring dahilan ng pagwawala nito ng mga sandaling iyon. Sigurado niyang dumadanas ito ng claustrophobia dahil na rin sa kasalukuyan lagay nila, kahit anong gawin niya ay paghawak at pagpipigil sa babae ay nagpatuloy lang ito sa malalakas at walang humpay na paghampas sa pinto. "Tulong! tulong!" hindi magkandamayaw na sigaw ni Cassady.. Nandoon na ang walang patid na paghagulgol ng babae habang unti-unti ng nanghihina at nawawala sa sarili. Habang siya naman ay parang nanlalambot na at nanghihina dahil sa damang-dama niya na ang pawis nito at ang kabuuhan ng babae habang pilit na inaalo sa kanyang mga bisig. Walang patid na ang kanyang pag-iisip ng mga sandaling iyon, habang pilit na kinakausap ang sarili upang kumalma, subalit ang walang tigil na paglilikot ni Cassady at ang tila kawalan nito ng pakialam sa pagkakadikit ng kanilang mga namamawis ng katawan ang siyang nag-udyok sa kanya na gawin ang isang bagay na alam niyang pagsisisihan niya sa huli, hindi niya man nais subalit iyon lang ang tangi niyang naiisip na paraan para mapatigil at pakalmahin ito. Kung kaya naman matapos ang ilang saglit ay huminga na siya ng malalim, upang kumuha ng hangin at karagdagan lakas para sa gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD