Kinabukasan nga ay lumuwas na sila pabalik ng Maynila. Sakay ng isang mas maliit na bangka ay bumyahe sila papunta sa isa pang isla para makapunta sa airport. Iyon nga lang, batid niya ang pag-aalinlangan ni Jordan na iwan ang yate, kaya naman nakadama siya ng konsensya dito. Pero lahat ng iyon ay pinilit niya na lang na iwaksi muna, lalo pa at hindi pa rin nawawala ang pangamba niya sa kalagayan ng anak. Laking pasalamat niya na lang at hinatid siya ni Jordan hanggang sa hospital kung nasaan si Asher, patakbo pa niyang tinungo ang ward kung nasaan ang anak. "Asher!" nangingiyak niya na lang na sambit nang makita ang nakahigang paslit na mayroon pang dextrose. "Mommy!" malakas na hiyaw na lang nito sabay angat ng kamay sa kanya bago mabilisang humikbi. "Ate!" gulat na angat na la

