Tatlong buwan na ang nakakalipas mula nang huling pagbisita ni Jordan, pero tila lutang pa rin sa Cassady ng mga panahong iyon. Lalo pa at paulit-ulit sa kanyang isipan ang hitsura nito habang binibitawan ang mga katagang 'Wait for me.' para bang musika iyon na tila kumikiliti sa kanyang katawan dahil na rin sa pangako at mga posibilidad nito. "Ate!" tawag na lang ni Alissa sa kanya. "Ano?" Napalingon na si Cassady dito. Napangiwi naman si Alissa, kanina pa kasi nito kinakausap ang kapatid, pero dahil na rin sa lutang ang isipan ni Cassady ay hindi ito napapansin. Kasalukuyan silang nasa Kwarto ni Cassady at abalang nagtutupi ng mga damit roon ng mga anak. "Okay ka lang? Tulala ka kasi." Busangot na lang ni Alissa. "May naalala lang ako." Tipid na ngiti na lang ni Cassady sabay harap

