DISCLAIMER: THIS STORY IS NOT YET COMPLETED AND EDITED. BE AWARE FOR ANY GRAMMATICAL AND TYPO ERRORS. DON'T EXPECT TOO MUCH ON MY WORK I'M NOT A PRO.
Maria's Point of View
"Paulo?" tawag ko kay Paulo na abala sa pagpindot sa telepono nyo.
"mmm?"tugon nya.
"Wala..sige ituloy mo lang yan" May kakaiba talaga akong nararamdaman sa lugar na ito. Kanina ko pa nararamdaman na may mga matang nakatingin sa amin.
"Ano 'yon?" bigla kase akong may narinig na kalabog mula sa kung saan.
Tinignan ko si Paulo ngunit binaba ko din ang tinggin ko nang makita kong nakatitig sya sa akin.
Nakakailang ang mga titig nya.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong may papalapit sa akin kaya tinaas ko ang paningin ko.
"B-bakit?" Nakaramdam ako ng paginit sa mukha ko.
Nakatayo ngayon sa harap ko si Paulo. Nakatingin lang sya sa akin. Nakakailang ang mga titig nya pero hindi ko magawang alisin ang panigin ko sa mga mata nya.
*beep *beep
Biglang nabasag ang titigan na'min nang magring ang telepono nya. Agad nya itong kinuha mula sa bulsa at bahagyang lumayo. Puro tango at oo lang naman ang tugon nya sa kausap nya na nagpakunot sa noo ko.
—
Nagising ako sa katok ng pinto. Hindi ko namalayang nakatulog pala ko.
Bumukas ang pinto at bumungad ang isang may kaedad nang babae. Sa tingin ko ay sya ng ina ni Jessica.
"Jessica.." malamig ang boses ng ginang at bakas ang pagaalala hindi lang sa boses nya pati sa mga mata nya. Lumapit ang sya kay Jessica at hindi alam ang hahawakan. Tumingin ako kay Jessica, para syang angel na natutulog ngunit may benda ang katawan at ilang mga pasa. Sa huli ay humagulgol sa iyak ang ginang sa kama ni Jessica.
"Anak ko.." nagpatuloy sa pagiyak ang ginang.
"Sya ba ang nanay nyo?" tanong ko kay Paulo. Hindi nya ko sinagot nakatitig lang sya sa mag-ina.
"Paulo?" tawag kong muli kay Paulo na abala sa telepono nya.
"Ano yon?"
"Sya ba ang nanay nyo?"
"Hindi." tipid nyang sagot at muling ibinaling ang tuon sa kanina pa nyang ginagawa
"Ehh?"
"Hindi, magkaiba kami ng ina."
"Ah" tumango-tango na lang ako sa kanya.
"Ijo?" tumigil sa pagiyak ang nanay ni Jessica matapos nyang tawagin si Paulo.
"Bakit ho?" tugon ni Paulo
"Sino ang kasama mo?" tanong ng nanay ni Jessica.
"Tita Beth, si Maria po." magalang na tugon ni Paulo.
Beth pala ang pangalan nya.
"Magandang hapon po" pagbibigay galang ko sa kanya. Nginitian nya ako bago sumagot.
"Ikaw na ba yan Maria?" kumunot bigla ang noo ko.
Kilala nya ba ko?
Bigla nya akong niyakap.
Tumingin ako kay Paulo. Nakatingin sya ng diretso sa mukha ko at bakas ang pagkagulat sa mukha nya. Hindi ko alam kung bakit. Nilamon ako ng pagtataka at biglang naalala ang isang bagay.
Paulo's Point of View
"Ikaw na ba yan Maria?" bigla akong kinabahan. Tumingin ako kay Maria na yakap ngayon ni Tita Beth.
Maria Asherah Andres...
Tama nga ako. Nangingiti ako sa di ko malamang dahilan. Mas lalo akong nangiti sa ekspresyon ni Maria. Pakiramdam ko may natagpuan akong matagal ko nang hinahanap. Nakatinggin ako sa kanya at sya naman ay nakakunot ang noo wala syang alam sa mga nangyayari. Oo, wala syang alam.
9 years ago...
Naaksidente kami habang pauwi na galing sa isang bakasyon. Sakay na'min ang isang Van at laman na non ay ako, si Maria, at ang mga magulang na'min.
"Anong nangyayari?" nagising ako dahil sa ingay nila. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago ko ilibot ang paningin ko. Nagkakagulo silang lahat.
"Paulo!" sigaw sa akin ni Daddy at bigla akong niyakap.
"What's going on Daddy?" inosente kong tanong.
"Ano ba!?" halos mapiyok na si Tita Cynthia sa sigaw nya. Yakap nya si Maria na umiiyak. "Hindi pa ba tayo bababa?" sambit nyang muli saka ko na lamang napagtantong mabilis ang andar ng sasakyan at mukhang wala itong preno. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumingin ako kay Daddy.
'Di ko mapigilan ang emosyon ko. Bata pa ako upang mamatay. Hinila ko ang damit ni Daddy at tinuro ang nakabukas na pinto ng van. Animo'y huminto ang oras. Ilang segundo na lamang ay di-diretso na sa malalim na bangin ang van na ito kasama kami kapag hindi pa na'min binilisan. Sa isang iglap ay nakalabas na ang lahat kami na lamang ni Daddy. Niyakap nya ako ng mahigpit at saka tumalon sa labas. Tinakpan ni Daddy ang tenga ko pero kahit na ay narinig ko pa rin ang isang malakas na pagsabog.
"Damn it!" inis na sigaw ni Daddy saka sinipa ang isang maliit na bato. Kanina pa kami sa lugar na ito ngunit wala pa ring dumadating na tulong. Maswerte kami dahil walang nasaktan at tangging mga galos lang sa pagkakabagsak ang natamo na'min. Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa dumating ang mga tutulong sa amin. Sa hindi inaasahang pagyayari ay biglang may kumalabog pagtingin naming lahat ay isang dugoang batang babae ang nakahandusay sa kalsada.
Maria...
Dinala sya sa ospital at maswerteng nakaligtas ngunit pansamantala syang nacomma. Sabi ng doktor ay ulo nya ang nadamage at maaring matagalan ang paggising ngunit nang magising sya ay hindi ko na sya muling nakita. May nakapagsabi sa akin na dinala sa ibang bansa at doon ipinagamot at ang ilan ay inuwi lamang sa probinsya at don nagpagaling at nawalan din daw ng ala-ala. Nung una ay hindi ako naniniwala ngunit tama sila andito sya sa probinsya at walang maalala.
"Paulo?" bigla akong nabalik sa realidad nang tawagin ako no Tita Beth.
"Bakit ho?" sagot ko pero sa iba ako nakatingin.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ijo" sambit ni Tita saka lilingon si Maria.
"Tita Beth?" tawag ko kay Tita na nilingon ako bilang tugon.
"Si Jessica po" biglang nagbago ang ekspresyon ni Tita mula sa ngiti nito ay napalitan ng isang hindi maipintang mukha.
Kasalukuyang magkatabi kami ni Tita Beth at si Maria naman ay nakaupo malapit kay Jessica na di gaanong kalayuan sa amin.
Katahimikan.
"Iniimbestigahan pa ang nangyari sa kanya." basag ng katahimikan ni Tita Beth. "Bago ko pumunta dito ay nagdiretso muna ako sa prisinto." bumunot muna ng isang malalim na paghinga si Tita Beth bago ituloy ang sasabihin. "Bata pa sya at madaming pangarap sa buhay pero bakit nila pinahirapan ng ganito ang anak ko!" hindi na napigilan pa ni Tita Beth ang sakit na nararamdaman nya kaya naman ay sobrang sakit ng hinagpis nya sa nangyari para sa anak.
*beep *beep
Agad kong sinagot ang tawag sa akin. Tinignan ko muna ang number ng tumawag ngunit kataka-taka ang nakita ko. Lumayo muna ko ng bahagya at saka sinagot ang tawag.
"Hello?"paulit-ulit ako sa aking sinasabi pero wala akong marinig mula sa kabilang linya.
"..."
Wala pa ring sagot kaya hinuha ko ay may nanloloko lamang sa akin kaya naisip kong ibaba na lamang ngunit...
Isang nakakarinding tawa ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi ito tawa ng natutuwa ngunit mala nasisiraan na ng bait.
Tumawa lang sya ng tumawa. Bahagya syang tumigil at nang salita ng di ko maintindihan. Parang lengguwahe ng dayuhan.
Pasigaw at may galit sa bawat bigkas nya. Bahagya akong nakaramdam ng takot sa tono nya.
Parang isang demonyo.