CHAPTER 76 Inayos ko muna ang sarili ko bago kami bumaba. Sinabihan na kaagad ako ni Kai na medyo magasang daw ang ugali ng tito ni Kai. At lalo na ang asawa nito. Malamang ay alam na nito ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil nga sa party na gaganapin para sa baby. Nakahawak sa aking bewang si Kai habang pababa na kami. Nakaupo ang dalawang tao sa sofa. May nakahanda ng kape sa kanilang harapan. Tumayo kaagad ang dalawa nang makita nila kami. "Good morning, tito and tita." bati sa kanila ni Kai at nakipagbeso dito. "Good morning, hijo." lumipat kaagad ang tingin sa akin nung babae. "This is Samara, my girlfriend. Samara, this is my tito and tita," "Hello po, good morning." nalihad ko ang aking kamay sa kanila. Tinanggap iyon ng tito ni Kai, pero ang tita nito ang tiningnan pa muna

