CHAPTER 44 "Kai naman. . . Parang ano naman 'to!" natawa pa ako pero binawi ko rin kaagad dahil sumama lalo ang tingin nito sa akin. Ang sungit! "Kai, pwede naman natin 'tong pag- usapan na muna. Pwede naman 'di ba, Kai? Magpapaliwanag naman ako, Kai." nagkakamot pa ako ng batok ko. Sa mukha niya ngayon ay parang hindi na talaga kayang makipag- usap pa sa kanya. Galit na galit na sa akin at mukhang sasabog na. ''Pwede bang mamaya na lang, Kai? Sa condo mo, doon ako matutulog mamaya after ng trabaho." tumaan ang kilay nito at tila hindi naniniwala sa sinasabi ko. Tinaas ko ang aking kanang kamay. “Promise, Kai. After my work. . .” Nagpacute pa ako sa kanya, sana gumana ang charms ko! Matagal pa itong tumitig. Tinatantya nito kung dapat ba siyang magpadala sa akin. Napa 'yes' ako sa

