CHAPTER 29 Sobrang seryoso niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Nilapag ko na sa mesa ang order niya. Hindi ko na lang sana siya papansinin nang nahawakan nito ang aking kamay at diretso akong napaupo sa kanyang kandungan. "Kai!" nagugulat na sigaw ko. Patagilid akong umupo sa kanyang kandungan. "May trabaho pa ako! Ano ba!" sinubukan kong umalis per hinawakan lang nito ang aking bewang upang manatili ako doon. "Ang landi mo! Mamaya kana lumandi at may trabaho pa ako rito!" sinubukan kong tumayo pero ganoon pa rin ang nangyayari. Bumabalik lang ulit ako sa pagkakaupo sa kanyang kandungan kahit anong gawin kong pagpupumiglas. "You smell so good. . .'' inamoy- amoy pa nito ang aking balikat. "Wait, Kai! Nakainom ka ba?" may naamoy akong alcohol sa kanya ngayong malapit na ka

