CHAPTER 63 “Bilisan mo na d'yan, Kai!” naiinis na sigaw ko sa kanya at mabilis ko siyang tinalikuran at pumasok na ulit ako sa loob ng bahay. Puro kabastusan lang talaga ang alam ang aga- aga pa! Gusto talagang gumawa ang isang basketball team. Tinulungan ko nalang ang nanay ko sa pagluluto niya. Ngayon ay tortang talong na naman ang niluto niya katulad kahapon. May ilang itlog din akong niluto doon. “Bilisan n'yo na d'yan, Samara. Mauna na kayong kumain ni Kai baka hindi n'yo maabutan ang jeep mamaya. Ako na ang tatapos niyan,” inagaw sa akin ni Nanay ang hawak kong isang pinggan ng talong na kailangan pang lutuin. Pumasok na si Kai sa loob ng bahay ay nagsimula na kaming kumain. Tatlo kami ni Tatay ang naunang kumain. Nakaalis na kami at kakagising pa lang ng kapatid ko. Magkaha

