CHAPTER 19 May kasalanan nga pala ako sa lalaking ito! Bakit ko ba kasi nakalimutan na nandoon pala siya sa loob ng bar at naghihintay sa akin? Dahan- dahan kong binuksan ang pintuan ng apartment. Niyakap ko kaagad ang sarili ko dahil sa hangin na tumatama sa aking katawan. Nakasuot lang kasi ako ng isang puting spaghetti strap na damit at isang maiksing short. Maganda kasi ang tulog ko kapag ganito ang suot ko kasi maaliwalas. Naglakad ako papunta sa kanyang sasakyan. Nang nasa tapat na ako ay tsaka pa lamang siya lumabas doon. Nakakunot ang mga noo ni Kai nang lumabas na ito sa kanyang sasakyan. "Kai. . ." kinakabahang tawag ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot, pero naglakad ito papunta sa akin at tumigil ito sa harapan ko. "Bakit ka nandito?" gusto kong sabunutan ang sarili ko

