CHAPTER 59 Nag- aalalang lumapit sa akin si Kai. Sobrang laki ng sugat kaya ang daming tumulong dugo. Sa ilalim iyon ng tuhod ko at kasing taas yata ng isang daliri ko ang taas ng sugat nun. Malaki at medyo malalim. Malakas kasi ang paghampas ko. Hindi iyon sa katawan ng saging tumama kung hindi sa paa ko. Kahit sina ni Nanay at Tatay ay lumapit na rin sa amin dahil sa sigaw ni Kai. Kalmado lang si Kai, hinubad nito ang kanyang suot na jacket at nilagay iyon sa sugat ko. “Samara! Ang laki ng sugat mo!” sigaw ni Nanay. “Okay lang, Nay. 'Wag kayong mag- alala.” sinikap kong ngumiti kahit na nakakaramdam na ako ng sakit. Binuhat ako ni Kai at pinaupo ako sa wala masyadong damo. “Umuwi na lang tayo, Samara at ng magamot na iyan sa bahay natin!” nag- aalalang sabi ni Nanay. “Ang ta

