CHAPTER 36 Ngayong araw ay sabado at kanina pa ako nakahiga rito sa kama ko. Masakit ang buong katawan ko at parang lalagnatin pa yata ako. Basang- basa kasi ako ng ulan kahapon nung namalengke ako. Kaya naman ay hindi pa yata ako makapagtrabaho ngayon. Nanginginig ang buong katawan ko at balot na balot na ako ng makapal na kumot. Naka- jacket, pajama, at may medyas na suot ang aking paa. “Samara? Samara, anong oras na at bakit hindi ka pa naliligo?” kinakalabog na ni Sienna ang pinto ko. Hindi rin naman ako makatayo dahil pakiramdam ko matutumba lang ako sa sakit ng ulo ko. Kahit yata pagsasalita ay hirap na hirap ako. Narinig ko na lang na bumukas na ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok na si Sienna. Binuksan ko ang aking mga mata upang tingnan siya. “Samara? Anong nangyayari s

