Aiden Pov'
Napamulat nalang ako ng wala sa oras ng buksan ni Nana (my personal yaya) ang kurtina ng bintana.Sumilay kase sakin ang liwanag ng araw na nag pagising sa buo kong katawan.
Tanghali nanaman pala ako nagising dahil anong oras na ako natulog kagabe.Tinapos ko pa kase ang aking human Painting,isa iyung larawan ng lalake na nakabahag lamang ang suot.
Isang tela ng damit na nag tatakip sa maselan na bahagi ng kanyang katawan.
Ewan ko kung saan ko nakuha ang visual nya,pero sa kabuuan nito ay may matipono itong katawan at mahabang buhok na blonde.Sadyang gumana lang talaga ang aking imahinasyon dahil sa tingin koy isang napaka gwapong lalake ang aking naipinta.
Natatawa tuloy ako sa aking sarili dahil para akong naeexcite sa makisig nyang katawan na nagpapataas ng likido sa aking katawan.
Dahil wala akong choice kundi ang tumayo itinabi ko nalang ang painting sa isang ligtas na lugar at sumunod na ako sa baba kasunod ni Nana.
Pagdating ko sa kusina naabutan ko na naduduon na si Ama nagkakape na habang nag babasa ng dyaryo.Sa tuwina ay hindi ko ito pinapansin,kung hindi ko pa kase nasasabe ay hindi kami ganung magkasundo sa isat isa.Si Ama kase ang isa sa pinaka striktong tao na kilala ko sa buong mundo.
Malas ko lang ata dahil ganun ang naging kanyang ugali noong bata pa ako.Siguro dahil ito sa pag kamatay ni Ina dahil sa pag papanganak saakin,at dahil dun mabigat ang trato nya sakin kaya nagiging strikto sya sa mga bagay bagay pag ako na ang pinag uusapan.Hindi ko sya maintindihan.
Masasabe kong masyadong mahigpit si Ama,noong una ay sinabe ko sa kanya na ayokong maginhenyero katulad nya.Ayun kase ang trabaho nya at gusto nyang sumunod ako sa kanyang yapak.Pero iba ang gusto ko,at ayun ang pag pipinta ng mga larawan sa aking paligid.
Isa na siguro sa hindi naming pag kakasundo ay dahil sa pag iiba ko ng kurso na gusto kong tahakin.Mag kamatayan na pero ayokong maging isang inhenyero,dahil hindi naman sa pang mamaliit ay hindi ko kinahihiya ang pagpipinta.Dito ako masaya at dito ako nakakakuha ng tunay na ligaya.
Tahimik akong naupo sa kanyang tabi.Patuloy lang sya sa pag babasa ng may mabanggit syang isang bagay.
"Hanggang ngayon parin pala ay usap usapan padin ang mga Greystoke tunkol sa malaking perang naiwan nito sa kanilang kumpanya"nag sigh sabay iling ng ulo.
Hindi ko na sya sinagot dahil hindi naman ako interesado sa pamilyang yun.Seventeen years ago kase nang mag karoon ng malaking aksidente sa isang malawak na kagubatan.Sumabog ang isang elicopter na sakay ang isang pamilya.
Yun ang taon kung kailan ako ipinanganak 1953.Kaya wala akong alam sa buong kwento nito,pero may sabi sabi na ang dalawang mag asawa lamang ang natagpuang patay sa mismong nasabing sasakyan.Ngunit ang kasama nilang bata ay bigla nalang daw nawala na parang bula sa loob ng kagubatan.
Kaya siguro usap usapan parin ang aksidenteng ito marahil sa mga naiwan nilang malaking pera at negosyo sa kanilang kumpanya.Pinapatakbo ito ni Clayton Greystoke na kamag anak rin nila.Alam ko ay nag dadalwang isip pa sila kung tuluyan na ngang ipapamana sa ibang kamag anak ng Greystoke ang pera,mukha kaseng wala ng pag asa makita pa ang nawawalang anak ng mag asawang Greystoke.
Kung ako ang tatanungin.Hindi na ako aasa pang makita ang batang iyun,sa bangis at kadalikado ng malawak ng kagubatan,Nasisiguro kong kinain na sya ng mababangis ng hayup.
Maswerte ang gahaman at makasariling si Clayton.Mapapamana sa kanya ang isang kumpanya ng mga yumaaong tyuhin at tyahin nya.Malas lang ng kanyang pinsan,namatay ito sa mura nitong edad.
Hinahainan na kami ni Nana ng pagkain ng mag tanong ito kay Dad "Si Mr Clayton po diba ang panganay na pamangkin ng mag asawang Greytoke hindi ba? Bakit kailangan sa kanya pa mapupunta ang mana ng mag asawa,masama ang ugali ng binatang iyun at sakim,sigurado akong mapapawalang kwenta ang lahat ng kayamanan ng mga Greystoke dahil gagamitin nya lamang ito sa maling paraan"
Inilapag ni Daddy ang dyaryo sa mesa,mukhang nagiisip ito ng malalim na sagot "Ayaw man nila o hindi,si Clayton lang ang panganay na anak sa kapatid ni Mr.Greystoke.Imbis man mapunta sa pangalawang kapatid nya ang yaman,babae ito at walang kakayahang mag patakbo ng malaking kumpanya.Maswerte na lamang sila dahil nag karoon sila ng panganay na lalake.Kundi baka sa pangatlong henerasyon pa ito ipamana ng buo ang natitirang yaman ng mga Greystoke"
Ah kaya,ngayon naiintindihan ko na.Kahit sakim at masama ang ugali ng Clayton na iyun.Wala silang magagawa kundi ipamana sa kanya ang pera ng mag asawang Greystoke.Ito kase ang panganay na lalakeng anak ng kapatid ni Mr.Greystoke.Kundi lamang babae ang kapatid nito ay marahil sa kanya na napunta ang yaman,pero hindi.Sa panahon kase ngayon,walang silbi ang mga babae.
Mabuti na lamang ay hindi ako naging babae,dahil kung mahigpit sakin ngayon ang aking ama.Ano pa't baka hindi nako makalabas ng bahay dahil sa sobra nitong panghihigpit sa akin.
Minsan nag tataka ako kung bakit sobra ang paghihigpit ni Daddy saakin.Ang sabi naman ni Nana ay marahil lamang sa pagpoprotekta nito.Hindi ko naman iyun maintindihan,hindi naman kase ako mawawala o masusugatan pero bakit ganun sya kahigpit saakin.
Minsan na kwento ni Nana namatay ang aking ina dahil sa pag papanganak saakin.Mula raw noon ang masigla at palangiting Albert (ang aking ama) ay nawalan ng sigla.Ayawa lamang daw nitong mawala ako.
Gayon parin ay hindi ko talaga sya maintindihan.Kaya siguro malayo ang loob ko kay Daddy marahil hindi nya ineexplain ng mas maayos kung bakit ganun na lamang ang paguugali nya.
Mabuti na lamang ay naririto si Nana,ang tinuturing isa ko pang ina.Sya na ang kinikilalang kong ina na matagal na naming katulong.
Sya kase ang takbuhan at iyakan ko sa tuwing nag kakaaway kami ng aking ama.Kaya naman hindi ko din naramdamang magisa ako sa mga problemanng nararanasan ko.
"Masama man ang ugali ni Clayton.Maswerte parin ang mga magulang nya dahil sinusunod nito ang gusto nila.Nais ng mga ito na mag manage ng malaking kumpanya ang kanilang anak,at ayun nga ang ginagawa ni Clayton ngayon" dugtong ni Daddy habang nakatingin saakin ng makahulugan.
Huminga ako ng malalim "Oo ngat mag papatakbo sya ng malaking kumpanya.Marahil yayaman sya rito at bagay lamang sa kanya iyun dahil isa syang sakim sa pera" diin kong sagot.
"Sana naging sakim kadin upang makita mo ang pera sa pag ienyehero.Baka sakaling pagyamanin mo pa ang pamilyang naiwan ng Nanay mo"
"Masaya ho ako sa pag pipinta ama,sana maintindihan nyo ho ako"
"Masaya? Kalokohan! Isa lamang pag lilibang ang pagpipinta at walang pera sa paglilibang Aiden"
"Alam nyo ho ama! Bagay ka pong maging ama ni Clayton.Sa tinatabas ho kase ng dila nyo,para na kayong sakim at sabik sa pera" diin kong sabi sa kanya.Naginit ang ulo ko dahil nasasaktan ako sa mga silita na binibitiwan nya sa akin "at alam nyo ho' sana ako nalang ang nawawalang anak ng mag asawang Greystoke! para sana matagal na akong nawala" pag kasabe ko nun ay tumayo ako at naglakad dire diretsyo paakyat sa aking silid.
Walang kwentang ama,at walang kwentang pagdidisiplina.Tama nga siguro ang sinabe ko,sana ako nalang ang batang nawala sa kagubatan upang walang nakaka siguradong buhay ako o patay na.
Siguro baka mas hilingin ko pang hindi na ako makabalik pa.
****-
Ilang minuto akong nakaharap sa salamin sa kwarto ko ng marinig ko ang katok sa labas ng pintuan.Alam kong si Nana ito kaya dali ko itong pinagbuksan.
"Inumin mo muna ito iho,alam kong hindi mo natapos ang pagkain mo kanina" binigay sakin ni Nana ang isang basong gatas pagka pasok nya sa kwarto.
Sabay kaming umupo sa gilid ng kama.
Alam kong magsisimula nanaman syang mangaral at ikomfort ako.Kaya matik na sakin na nandito sya sa tuwing nagkakasagutan kami ni Ama.
Ilang saglit din na mayani ang katahimikan.Nabasag lang to ng mag salita sya
"Pag pasensyahan mo na ang iyong ama,masama lang ang-" pero hindi ko pinatuloy ang sasabihin nya.
"Masama lang nanaman ba ang timpla ng umaga nya? E ganon din naman po sya lagi lagi.Sa loob ng 17 years laging masama ang timpla nya sa umaga,ni hindi ko nga sya maayos na nakakausap pag nag aalmusal kami e.Isinisisi nya parin ba sakin ang pagkawala ni Ina?"
Napansin kong medyo nagulat sya sa sinabe ko.Hindi parin sya nasasanay na sinisisi ko ang aking sarili sa pagka sawi ni Ina.
Sa tuwing nagaaway kami ni Ama,laging sumasagi sa isip ko na ako ang may kasalanan sa pag kawala nya.Isa pa na dating masiyahin si Ama noong hindi pa ako ipinapanganak ayun sa kwento ni Nana saakin.
Marahil lubusang nag bago ang paguugali ni Ama dahil ipinanganak ako ni Ina at ako lamang ang nabuhay saming dalawa.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo,wag mong sisisihin ang iyong sarili sa nangyari sa iyong Ina.Wala kang kasalanan"
"Ayan naman ho ang lagi nyong sinasabe e,hindi ko kasalanan.Pero bakit ganun si papa sakin? Lagi nyang ipinapadama na ako ang may kasalanan sa nanyare kay Ina." Huminga ako ng malalim,nararamdaman kong nagbabadyag pumatak ang mga luha ko sa mata. "Sana kasi ako nalang ang nawala"
Niyakap ako ni Nana,naramdaman ko nanam ang init ng katawan nya na nagpapagaan ng aking kalooban.Maraming salamat dahil nawalan man ako ng Ina at sinsisi man ako ng aking ama,may Nana akong nag papagaan ng loob ko.
"Shhhh...wag mong sabihin yan,lagi mong tandaan nandito pa si Nana at kailangan ka nya"
"Thank you po Nana,kayo lang po ata ang taong nakakaintindi sakin dito.Maraming salamat po"
Ilang minuto din kaming nag kwentuhan ni Nana ng mag pasya syang bumaba upang mag handa pa sa ibang gawain.
Nakakatuwang napapagaan talaga ni Nana ang loob ko sa tuwing nag uusap kami.Siguro kong mawawala pa sya sa buhay ko,hindi ko na makakaya.
Inilibot ko ang aking paningin sa aking silid na puno na ng mga imahe at tanawin na aking ipininta.Nagmistulan itong maliit na Painting room sa dami na ng aking nagawa.
Hanggang sa sumagi sa isip ko ang isang human painting na kagabe ko lang natapos.Pumunta ako sa gilid ng aparador at kinuha ko iyun.
Inilagay ko yun sa maliit na upuan paharap saakin,at umupo ako sa dulo ng kama.Pinag masdan ko ang larawan na aking nabuo,mula sa blonding buhok nito at sa malalapad na balikat.Dumako ang paningin ko bandang tiyan,namumuo rito ang anim na matitigas na abs at ilang hibla na buhok paakyat sa pusod.
Ano ba ang nagawa ko kagabe at ganun nalang gumana ang aking malikot na imahinasyon.Ang larawan na aking pininta ay mukhang isang matangkad gwapo at makisig na lalaking nasaaking harapan.Itoy labis na nakakaakit.
Hindi ko maiwasang mag laway at manuyot ang aking lalamunan.Nararamdaman kong umaakyat rin ang aking likido sa katawan,parang gusto ko syang hawakan o haplosin upang maibsan ang uhaw na aking nararamdaman.
Pero paano? Isa lamang syang larawan na aking ipininta.May tao kayang ganto ka dyos ang itsura,kung meron sana makita ko na sya.
AN:sorry sa mga typo ko,promise gagandahan ko na po sa second update.Love you all and enjoy!