Kabanata 4

1255 Words
Kabanata 4 Act Kahit nang matapos ang klase para sa araw na ito ay ang huling sinabi ni Hunter ang siyang naglalaro pa rin sa isipan ko. Hindi na siya bumalik pa pagkatapos niyang sabihin ang bagay na iyon.  Hindi ko dapat dibdibin ang mga salita niya. Nasisiguro kong wala naman siyang gagawin na ikakapamak ko.  I mean, we're not that even close so, why?  Hindi na muna ako umuwi at piniling tumambay sa isang parke. Pinagmasdan ko ang mga bata roon na masayang naglalaro.  Pinagsiklop ko ang mga kamay at inipit sa pagitan ng mga hita ko.  Hindi ko alam kung ano ang iisipin sa kaniya. I don't even know if he's interested in dating me or he's just bored and he saw me as someone whom he can play with.  Nangunot ang noo ko sa naisip. Ano ako laruan?  "Selene! Narito ka lang pala!" Umangat ang tingin ko at agad ko namang nakita sina Karen na palapit sa direksiyon ko.  I smiled. I texted them to meet me after class. Hapon pa kaya may oras pa kami para magkita at gumala.  "Dumating kayo. Akala ko wala na naman kayo, e..." komento ko nang makalapit sila sa akin. "Free time namin today," si Mikee na malaki ang ngiti.  "Talaga ba? Saan ba kasi kayo nagsusuot? Hindi ko na kayo mahagilap, at hind na rin kayo napasok. Ano ba ang nangyari?" tanong ko. Umupo si Karen sa tabi ko. Nagpaalam si Mikee na bibili ng pagkain sa 'di kalayuan. Nagtataka kong tiningnan si Karen na hinihintay kong magsalita. Inakbayan niya ako. "Alam mo kasi, we realized that we're just wasting our precious time so, we decided to you know... get serious in life?" I squint my eyes. Bakit tila hindi iyon kapani-paniwala?  "So you two will stop studying?"  Tinuon niya ang tingin sa unahan. "Yes... We have a mission to accomplish and that's to become more successful in life." My upper lip rose up. "Talaga lang, huh?" Tumikhim siya. "Siyempre, alangan namang tambay kami sa college forever, 'di ba? Isa pa, malaki ka na..." kibit balikat niya.  Umirap ako. "Malaki na nga ako, kaya ko na ang sarili ko. Pero kayo naman itong nagpasya pang pumasok ulit ng kolehiyo para lang masamahan ako." Tumawa siya. "Tulad ng sabi ko, mas masayang mag-aral kesa ang pumasok sa trabaho."  Dumating na si Mikee kasama ang isang bata na tinulungan siya upang bitbitin ang kaniyang biniling pagkain. Sabay naming inabot ni Karen ang biniling street food ni Mikee at nag-usal ng pasasalamatz "Salamat, bata. O, siya... Bumili ka ng sarili mong pagkain," inabutan niya ito ng pera. Tumakbo naman agad ang bata. Umupo si Mikee sa kabilang gilid ko. Nagsimula na akong kumain.  "So, kumusta ang pangungulit sa 'yo ni Hunter?" tanong niya.  Natigil ako saglit sa pagnguya. Alam nila ang kaganapan ko sa buhay dahil wala naman akong tinatago. Kaya nga nang malaman nila ang tungkol kay Hunter na gusto akong ilabas, ilang mura ang pinakawalan nila na hindi ko naman maintindihan kung bakit.  Sunod-sunod na pangaral din ang natanggap ko mula sa kanilang dalawa.  "Lumayo ka sa kaniya, Selene. Naku, 'di magandang tingnan..." si Mikee na kinataas ng kilay ko. "Ang alin?" “Iyang ganiyan!” si Karen naman itong hindi makahanap ng tamang salita. “I mean, huwag kang magpapadala sa sinasabi niya, okay? Hindi mo siya kilala kaya dapat ay makinig ka sa aming mas nakakatanda sa ‘yo.”  Tinagilid ko ang ulo. “May nanligaw na ba sa inyo?” Sabay silang umiling. “Oh... E, di hindi dapat ako makinig dahil wala naman kayong karanasan,” sambit ko. “Pero hindi ko naman iyon manliligaw, at mas dapat nga akong lumayo sa kaniya.”  Naalala ko na naman ang sinabi ni Hunter. Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinipilit ako sa mga bagay na hindi ko nais na mangyari. I don’t like Hunter, so I kept on rejecting him.  I mean, there’s a lot of girls ogling for him! Maraming babaeng nagkakagusto sa kaniya kaya marami siyang pagpipiliaan na i-date, ‘di ba? Why would he stick to someone like me who shows no interest at all? I am not interested, that’s I’m sure.  “But you know, he keeps on bothering me. Kanina nga ay may sinabi siya sa akin...” hindi ko tinuloy ang sasabihin.  Ang mga mata niya ay seryoso habang sinabi iyon sa akin. Pati ang kaniyang boses ay hindi ko nahimigan ng biro. Animo’y may gagawin talaga siyang magiging dahilan upang kamuhian ko siya ng husto.  Umiling ako at ngumiti. “Tara na lang sa mall, I heard my bagong bukas doon na stall.” Tumayo na kami at akma sanang maglalakad nang may mahagip ako. Narinig kong suminghap ang dalawa nang makitang nakatingin siya sa direksiyon namin. “Ano ang ginagawa niya rito? Sinusundan ka ba niya?” bulong ni Karen na humawak pa sa braso ko.  Kinunot ko ang noo. “Hindi, ah...” sagot ko na hindi inaalis ang tingin sa kanila. “Baka ‘di lang sinasadya. Isa pa, may kasama siyang babae, baka nagd-date?” “Date? Sa parke? Seryoso ka, Selene? Sa gara ng porma ng babae, sa tingin mo ay rito sila magd-date?” si Mikee na may kasama pang irap. I shrugged. “Malay niyo kasi,” sabi ko. Napatingin sa direksiyon namin ang kasama niyang babae pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Umiwas na lamang ako ng tingin nang makita itong umirap. Umismid si Karen pero hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy kami sa paglalakad pero napatigil ulit nang may humarang sa amin. Narinig ko ang inis na mura ng dalawa sa tabi ko nang mataray kaming tiningnan ng babae.  “Ikaw!” duro niya sa akin. Tamad ko siyang tiningnan. “Ano ang kailangan mo?”  Napasulyap ako kay Hunter na nakapamulsa lang sa likuran ng babae. He was staring blankly at me but I just ignored it and focus at the girl who’s fuming mad while still pointing at me.  “Why are you looking at my boyfriend?!” W-what? Boyfriend?  “Excuse me?” nalilito kong saad.  Umirap ang babae at humalukipkip. Hindi ko maiwasan na pasadahan siya ng tingin. So, she’s Hunter Ybrahim type? White, short, and... the jealous type of girl, maybe?  “I saw the way you seduced him through your stares! Huwag ka ngang malandi, girl! May girlfriend na kasama, oh? Ako!” nilahad niya ang kamay sa ibaba ng kaniyang baba.  Napaawang ang labi ko sa kaniyang tinuran.  Seduced? Sa tingin? Sinasabi ba niyang inakit ko si Hunter sa pamamagitan ng aking tingin? Napatingin ako kay Hunter na tahimik nagmamasid muka sa kaniyang likuran. Puno ng kalituhan ko siyang tiningnan. Ngunit sumigaw na naman ang babae dahilan para maghakot siya ng manonood!  Naiinis ko siyang binalingan. “Bulag ka ba, huh?! Hindi ko siya kilala kaya bakit ko siya aakitin?” turo ko kay Hunter na napaayos ng tayo. “Mag-isip ka nga, girl. Hindi ako papatol sa lalaking annoying,” ani ko.  Pero hindi pa rin natinag ang babae!  “Huwag kang sinungaling! Nakita ko mismo kung paano—“ “Please, shut up! Buntis ako at isang bampira ang ama ng dinadala ko! Kaya puwede ba, Miss? Tumabi ka dahil dadaan ako,” mataray ko siyang tiningnan.  Napamaang siya sa sinabi ko. Kakatapos ko lang mabasa ang librong pinahiram ng kaklase ko kagabi. It was a vampire’s romance and I got hook with the way the writer delivered the male lead character which happened to be a vampire.   I’m still in love with the vampire until now. Kaya para manahimik man ang kung sinumang babaeng ‘to, sige.  “Kung may mangyaring masama sa pinagbubuntis niya, ikaw ang mananagot...” pananakot pa ni Karen dito.  Bahagyang napaatras ang babae. “Umalis ka sa harapan ko,” na kay Hunter na ang tingin ko. “Kung ayaw mo na abangan ka ng bampirang nakabuntis sa ‘kin,” ngumisi ako at binalik ulit ang tingin sa babae na pawang nawalan ng dugo sa katawan. Seriously? Gaano siya katanga para maniwala sa sinabi ko? Bampira pa nga lang imposible na. “Kung may magpakilala man sa ‘yong Ybrahim, iyon ang bampirang ama ng dinadala ko...” with that, I left.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD