Dark POV "Wow! Ang ganda naman dito. Ito na ba iyong island of elements?" Namamangha na tanong ko at agad na bumaba sa kalesa na sinasakyan namin. Bumaba din sila at inilibot ko ang aking paningin. Biglang may tumabi sa akin at sa paglingon ko ay ang kapatid ko lang pala. "Pfff, ate ang epic ng mukha mo." Natatawang saad ni Drake kaya binatukan ko siya. "Aray naman ate! Ang sakit mo naman mang-batok." Pag-d-drama niyang saad at nag-act pa na nasasaktan. "Hmmp, style mo bulok." Pagsusungit ko sa kapatid ko. "Huhuhu, hindi mo na ba ako love, ate? Bakit? Bakit?" Pag-d-drama niya ulit sa harap ko kaya binatukan ko ulit. "Baliw! Tumigil ka nga." Natataw na saad ko at pinanlakihan siya ng mata. May tumikhim sa likod namin kaya napalingon kami pareho ni Drake at nakita ko ang kinaiinisan

