Ice P.O.V "Ayos ka na?"- tanong sakin ni Ashlie. Tinignan ko naman siya at nginitian. Halata ang pag-aalala sa mukha niya. "Oo naman! Ako pa ba? Wala sakin yung mga ganun! Kaya ng buto-buto ko yung mga ganong kababaw na bagay!"- saad ko sabay smirk. "Gusto mo patunayan ko sayong okay na ko? Balian kita ng buto."- biro ko. Ngumuso naman siya at tinabihan ako sa higaan, pagkatapos ay niyakap niya ko. "Ice naman eh! Alam mo bang alalang-alala kami sayo kahapon? tapos ngayon nagbibiro ka pa ng ganyan! Nakakainis ka!"- saad ni Ashlie na halata ang pagtatampo sa tono ng pananalita. Ngumiti naman ako. "Kaya nga ko nagbibiro eh, gusto kitang mapatawa dahil alam kong nag-aalala ka, kayo nila Ylana at Grey. Pero ayos na ko, tulad nang sinabi ko kanina wala lang sakin yung mga ganun kaya naman

