Ice P.O.V
"Grabe, para akong naawa sa Hari kahapon."- saad ni Ylana.
"Tss.. totoo naman kasi yung sinabi nung Luis, tignan mo nga natahimik siya! Pero alam niyo, di mag-aaway yung dalawa kung hindi inumpisahan ni Vince eh! Yung lalaking yun!"- saad naman ni Ashlie.
"Kahit di sinimulan ni Vince yun paniguradong mag-aaway pa rin sina Devin at Luis, di niyo ba nakita? Pagdating pa lang kahapon ng Red Skull sa meeting room ang tindi na ng tensyon nila ng Dark Cards. Lalo na nung hinalikan ni Luis si Ate Rei sa pisngi, halatang gusto nang sugurin ni Devin si Luis at patayin."- saad ko.
"Ang haba ng buhok ni Ate Rei!"- saad ni Ashlie.
"Pero alam niyo, sa tingin ko naman mabuti talaga ang Dark Cards."- bigla kong nasambit. Napatingin naman sila sakin ng sabay.
"Ano?"- saad ni Ashlie.
Bumuntonghininga naman ako. "Sa tingin ko hindi talaga sila masasama, sumusunod lang sila sa utos ng Headmaster. Sa sinabi ni Devin kahapon parang hindi naman talaga sila kakampi ng Headmaster, sadyang trabaho lang talaga nilang paglingkuran ang Headmaster dahil sila ang pinakamataas dito sa DIA."- saad ko.
Ewan ko ba kung bakit pero habang tinitignan ko si Devin kahapon habang dinidipensahan niya ang sarili niya at ang grupo niya, may pakiramdam ako na dapat siyang paniwalaan at pagkatiwalaan.
"Sa bagay, may punto ka. Pero sinabi ni Ate Rei na masasama sila at nangako tayong lalayuan natin ang Dark Cards."- saad ni Ashlie.
Napa-pokerface naman ako. "Sinabi ko bang lalapitan natin sila? Ang sabi ko tingin ko mabait talaga sila. Wala akong planong makipagkaibigan sa kanila!"- inis kong sabi sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Inakbayan naman ako ni Ashlie. "Chill, napakapikon nito."- saad ni Ashlie sabay nguso.
"Habang tumatagal lalong nagiging short tempered."- saad ni Ylana.
Inirapan ko naman sila. "Ewan ko sa inyo."- saad ko.
Pagkatapos kong sabihin yun, bigla na lamang tumunog ang mga speakers.
"Makinig kayong lahat, kung ano mang sasabihin ko ngayon ay seryoso ako. Kahapon nagpasagawa ako nang checking sa lahat ng babae rito sa DIA at ibinabalita ko sa inyong lahat na WALA NI ISA sa mga babaeng nandito ang may balat o tattoo sa likod tulad ng mayroon ang pamangkin kong si Darkiela. Oh? Alam ko ang iniisip niyo, WALA PA RITO ANG REYNA AND ALL THESE YEARS NAGHAHANAP KAYO SA WALA! Tsk. Nandito na siya, nandito na si Darkiela! At sa tingin ko ay hindi siya pumasok dito bilang isang estudyante. Sa tingin ko nandito siya sa DIA at nagtatago, nakikipaglaro siya nang taguan sa ating lahat na nandito. Ngayon, binibigyan ko kayo ng babala. Simula ngayon, simulan niyo nang halughugin ang buong DIA! Hahanapin niyo siya at mayroon lang kayong isang buong taon sapagkat sa pagdating ng ika-31 ng Disyembre, kapag hindi niyo naiharap sakin ang pamangkin ko ay sinisiguro kong lahat kayo ay malalagot. Sinisiguro kong dadanak ang mga dugo niyo rito sa DIA! Dalawa lang ang makapagliligtas sa inyo sa mangyayari. Una, ang makagraduate kayo. Pagtagumpayan niyo ang lahat ng laro na ipalalaro ko, walang talo. At ang pangalawa, ang maiharap niyo sakin ang pamangkin ko. Ngayon, problema niyo na kung paano niyo gagawin ang nais ko. Goodluck sa inyo mga mahal kong estudyante ng DIA pero damay-damay na 'to."- saad ng Headmaster.
Pagkamatay ng mga speakers, tila nagkagulo ang mga estudyante.
"s**t! Ice anong gagawin natin?"- saad ni Ashlie sabay hiwalay niya sakin.
Napakunot naman ako ng noo. "Bakit galit na galit ang Headmaster? Bakit nagmamadali siyang mahanap ang pamangkin niya? Tsaka anong damay-damay na? Bakit parang natatakot siya? Naguguluhan ako. Ano ba talagang nangyayari? May iba bang dahilan? Wala naman akong nakikitang dapat niyang ikatakot sa larong ibinigay sa kanya ng kapatid niyang si Mrs.Killiano! Anong dahilan bakit nagkakaganyan ang Headmaster?"- sunod-sunod na tanong ko.
Ano ba talagang nangyayari?
"Napakamisteryoso."- saad ko.
Bigla namang may nagsalita mula sa likod. "Hoy kayo! Ipinatatawag kayo ng Hari."- saad ni... "Alex."- saad ko pagharap ko sa kanya.
Inirapan naman niya ko. "Tss.. ipinatatawag kayo ng Hari, may ipagagawa siya sa inyo. Bilisan niyo!"- banas niyang sabi sabay talikod niya at lakad paalis.
Natawa naman si Ylana. "Whoa! bring back memories."- nakangising saad ni Ylana sabay tingin niya kay Ashlie.
"Che! Atlis mabait na ko ngayon di katulad niya. Masungit na mahilig sa gulo."- nakangusong saad ni Ashlie.
Bumuntonghininga naman ako. "Tara na, baka mamaya kapag nahuli tayo parusahan pa tayo ng Hari."- saad ko.
"Mabuti pa nga."- saad ni Ashlie.
DARK CARDS OFFICE>>>
"F- foundation day?"- gulat kong saad.
Tumango naman si Devin.
"Tuwing February 14, itinitigil ang laro dito sa DIA. Binibigyan namin ng pagkakataon ang mga estudyanteng magsaya pero sa mga nakalipas na taon ay di kami nagtatagumpay. Naisip ko, sa inyo ko na lang ibibigay ang pamamahala sa magiging foundation day ngayong darating na Pebrero. Iparanas niyo sa mga nag-aaral dito sa DIA ang ginagawa sa ibang school sa labas ng DIA at ng mismong Dark Island, paligayahin niyo ang lahat dito sapagkat hindi natin alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw lalo na at wala nang makaintindi sa nangyayari dahil sa Headmaster."- saad ni Devin. Napangisi naman ako.
"Ice, mukhang tama ka. Mukhang mabait talaga sila."- bulong sakin ni Ashlie.
Umayos naman ako ng upo ko. "Foundation day? Sige, kaming bahala diyan."- saad ko.
Masaya 'to!
"Makikisali naman kayo diba?"- tanong ni Ashlie kay Devin.
Tumango naman si Devin. "Oo."- sagot nito.
Ngumiti naman si Ashlie. "Grey, alam mo na ang gagawin. Ilista mo lahat ng booth na gagawin at anong section ang naka-assign sa bawat booth, yung mga prizes and everything basta yung dating gawi."- saad ni Ashlie sabay cross arms.
"Yes, Pres este-- Ashlie... teka nga! Wala na tayo sa Sheria University! hindi ka na SSG President so wag mo kong utusan."- saad ni Grey.
"*glare* Aba't umaangal ka?"- saad ni Ashlie kay Grey habang nakatingin dito ng masama.
Wala namang nagawa si Grey. "Sabi ko nga di ako pwedeng umangal."- saad ni Grey sabay bukas niya sa bag niya at kuha sa laptop niya.
"Magkakaroon tayo ng food court, siguro i-pwesto natin yun sa tapat ng building ng School, doon magtitinda ng iba't-ibang pagkain ang mga estudyante. Sarili nilang pera ang kailangan para sarili rin nila ang kita. Bawat section, mamimili ng pagkain na ititinda nila."- saad ni Grey habang nagtatype sa laptop niya.
"I suggest sa section natin siguro pastry food na lang, tutulong ako sa pagbe-bake at malay niyo, sipagin yung isa at tumulong din."- saad ni Ylana sabay tingin sakin.
"Pudding lang."- saad ko.
"Deal."- saad ni Ylana.
"Next, yung mga paborito s***h importanteng mga booth like Jail Booth, Photobooth, Marriage Booth and Kissing Boo---"- saad ni Grey na hindi natuloy ang sasabihin dahil kay Bryan.
"Kissing Booth? GUSTO KO YAN! Pwede ba kitang dalhin dun Ashlie?"- saad ni Bryan kay Ashlie.
Agad namang kumunot ang noo ni Ashlie. "Oh sige ba! Dalhin mo ko dun! Basta pagdating dun sa kissing booth ingungudngod ko yang nguso mo sa sahig!"- banas na saad ni Ashlie.
"Aba hoy! Baka nakakalimutan mo kung nasaan ka!"- saad ni Bryan.
Ngumiwi naman si Ashlie. "Nasa opisina niyo."- sagot ni Ashlie.
"Alam mo pala eh! 'Bat ganyan ka umasta!"- pagtataas ng boses ni Bryan.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Ashlie. "Excuse me? Ipinaglalaban ko yung akin! Alangan namang sabihin kong 'oh sige Bryan dalhin mo ko dun at halikan' kahit ayoko naman! Mandiri ka!"- saad ni Ashlie.
Magsasalita pa sana si Bryan ng.... "Tumigil kayo!"- sabay namin na sigaw ni Devin.
Nagkatinginan naman kami.
"Kailangan duet?"- saad ni Brent.
Tinignan ko naman siya tapos inirapan. Pagtingin ko sa gilid, isang masamang tingin ni Alex ang sumalubong sakin.
Tss...
"Pwede ko na bang ipagpatuloy?"- saad ni Grey.
Tumango naman ako. "Sige."- saad ko.
Tumagal ang discussion o pagpaplano ng halos isang oras. Marami kaming naisip na ibang mga palaro at nakakatuwa na makikisali rin ang Dark Cards kahit wala sa itsura nila na marunong pala silang makiisa pagdating sa mga ganung bagay. Lalo na, yung pinuno nila. Palaging nakasimangot na akala mo pasan ang mundo!
Nang matapos ang pagpaplano, agad kaming nag-room by room at sinabihan na agad ang mga estudyante nang sa ganun ay makapaghanda na agad sila ng mga materyales at pera na gagamitin nila. Halata ang tuwa at pagka-excite ng bawat isa sa bawat silid na pinasukan namin.
Ang iba, nagpasalamat agad samin sapagkat ramdam daw nila na masaya ang magiging Valentines day celebration nila ngayong taon. Hindi pa raw nila nagagawa ang nasa plano namin, kakaiba raw ang plano namin saad nila. Well para sa kanila, kakaiba yun. Para sa kanilang ilang taon nang nakakulong dito.
Tila nakalimutan nila ang babala ng Headmaster dahil sa inanunsyo namin. Nang matapos na naming gawin ang lahat, agad kaming humiwalay sa Dark Cards.
"Ice, sa tingin mo.. ayos lang kaya na.. alam mo na, lumapit tayo sa kanila sa Valentines? Gusto ko kasing magsaya at sa tingin ko makikita ko yung kasiyahan ko sa pantitrip ko kay Bryan. Isang araw lang naman yun, pagkatapos non lalayuan na natin sila at ituturin na kaaway."- saad ni Ashlie.
Napaisip naman ako. "Valentines, araw ng mga puso......."- saad ko. "Sige, bahala ka."- saad ko sabay tingin ko kay Grey.
"Ibigay mo sakin yung napagkasunduan natin ng Dark Cards na mga grupo na magiging guards sa araw ng Valentines, ako ang kakausap sa kanila."- saad ko.
"Sige."- sagot ni Grey na tila kanina ko pa napapansin na hindi masyadong nagsasalita at tila malalim ang iniisip. Nagsalita lang siya nung nagpaplano na.
"May problema ba? Kanina ka pa nananahimik, parang may malalim ka rin na iniisip."- saad ko.
Ngumiti naman siya at umiling. "Wala 'to, wag mo na lang akong pansinin."- saad niya sabay buntonghininga.
"Nalulungkot ka ba kasi di mo magamit ng maayos ang laptop mo dahil walang signal? Alam ko feeling mo, cellphone ko nga sa sounds ko lang nagagamit eh. Nakakabwiset!"- saad ni Ashlie.
Umiling naman si Grey. "Hindi."- saad ni Grey sabay ayos niya ng tayo. "Mauuna na ko sa inyo sa dorm."- saad ni Grey sabay lakad paalis.
"Aba! Problema nun?"- saad ni Ashlie.
"Hayaan na lang natin, punta na lang tayong cafeteria. Nagugutom ako eh."- saad ni Ylana.
Natuwa naman si Ashlie. "Mabuti pa nga! Ice, pengeng pera."- saad ni Ashlie sabay lahad niya sakin ng kamay nya.
"Sabay-sabay na tayong kumain, tara sa cafeteria."- saad ko.
Ngumiwi naman si Ashlie. "Mas lalo akong nahihiwagaan, magkano ba talaga ang natanggap mong pera Ice nung bloody welcome?"- tanong ni Ashlie.
"May cake sila ngayon, bili tayo."- saad ko sabay lakad ko ng mabilis.
Sumigaw naman si Ashlie. "Di na naman sinagot!"- sigaw ni Ashlie sabay habol nila sakin ni Ylana.
Natawa naman ako.
Di nila gugustuhing malaman kung magkano, paniguradong mapapamura sila sa inis.