Devin POV "Gusto mong umuwi sa inyo?"- tanong sakin ng Headmaster. Tumango naman ako. "Nais po ito ng aking Ama, apat na araw lang po akong mawawala."- saad ko. Bumuntonghininga naman ang Headmaster. "Oh sige, tinawagan mo na ba ang eroplano?"- tanong nito. "Opo, parating na po ito."- sagot ko. "Sige, mag-ingat ka pauwi."- saad nito. Tumango naman ako at ngumiti ng bahagya. "Headmaster, may gusto po sana akong isama sa pag-uwi ko."- saad ko. Taas kilay naman niya kong tinignan. "Sino naman?"- tanong nito. "Si Ice, si Ice Rogiano po Headmaster."- sagot ko. Tila natigilan naman ito. "Si Ice? At bakit mo naman siya isasama?"- saad ng Headmaster. "Sapagkat ito ang gusto ko."- seryoso kong sabi. Sandali naman akong tinitigan ng Headmaster at pagkatapos, bigla siyang tumawa. "Pa

