Rion's POV How does this girl think that my tattoo symbolizes another girl much more Sherry? But then again, paano niya din maiisip na siya ang kahulugan ng tattoo ko? At kahit sinabi ko na, pinagtawanan lang naman ako. Tss! Paano niya naisip na nag-jo-joke ako? Hell! Ni wala sa bokabularyo ko ang salitang joke. Nilingon ko siya na abalang naglalaro sa tablet niya at parang nakalimutang kasama niya ako. She's back from her usual self. Memories from the past six years flooded my vision before I could stop them... Pagod kaming humigang tatlo sa maduming basement ng Al's Restaurant matapos ang ilang oras na pag-aaway. Si Moises, ang labindalawang taong gulang at pinakabata sa 'min ay kanina pa naghihilik. Bumangon ako at pinatong ang dalawang siko sa mga tuhod ko. Kumirot ang iba't iban

