Facing 'Jaguar'

1691 Words

Dollar's POV "Ano ba talagang ginagawa natin dito?" nayayamot kong bulong kay Vaughn. Pero sinenyasan lang niya 'ko na tumahimik at may sinilip siya sa kanan. Naiinis at naiinip na 'ko sa totoo lang. Kalahating oras din kaming bumiyahe at nakalabas na kami sa bayan ng Flaviejo at pagkatapos iparada ang kotse sa talahiban, naglakad naman kami ng mga sampung minuto papunta dito sa lumang bahay na nakatayo sa gitna ng gubat. At mas mukhang tinitirahan ng mga adik kesa mga multo. Sobrang dilim. Maalikabok. Walang gamit ang buong bahay, basag ang mga salamin ng bintana at puro nagkalat ang bote ng beer. Mukhang madalas magkaroon ng away dito. Andami ring mga kahina-hinalang kahon at sa likod nga ng mga iyon kami nagtatago. Ewan ko lang kung bakit kami nagtatago sa ilang kalalakihan na mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD