Dollar's POV Hindi ako sanay. Sa katahimikan. Kanina, pinakilala sa akin ni Lolo ang mga apo niya. Sina Rion at Shamari. Magkapatid nga sila. Pero bakit kaya hindi obvious? Nag-aalmusal kaming apat dito sa grandyosong dining hall na parang museum sa laki. At ganito ba talaga... Napakatahimik. Pati tunog ng mga kubyertos parang praktisado at talagang may ritmo. Samantalang sa bahay, hindi kami nauubusan ni Cheiaki ng ikukwento kay Uncle. Madalas nagkukulitan kami. Basta maingay kami kahit sa hapunan. Kaya siguro tahimik masyado si Rion dahil tahimik din ang environment na kinalakihan niya. Hmn... A man of few words... Tiningnan ko sila. If there's one thing they shared in common, it is the air of authority around them. "Rion, make time na mapasyal mo si Dollar ngayong araw," sabi iyon

