Dollar's POV A-huh? Pinigilan kong tumaas ang kilay ko ng makita ko ang lalake sa harap ng Al's. Hmm... Parang isa siyang butler sa mga pelikula. Nasa early fifties siguro siya. Hanep ang tuxedo na may bow tie, lapat na lapat at walang gusot. Tuwid na tuwid din ang pagkakatayo at marahan niyang ginagala ang metikulosong mga mata sa paligid. "I'm Mr. Bryant, personal assistant of Don Marionello Flaviejo." Inabot niya ang kamay ko at nakipagkamay. "Si Lolo? Kasama niyo po ba siya?" Na-miss ko din si Lolo ah. Bihira na lang kaming magka-text sobra niyang busy kase. "No, Miss Viscos. Pinapunta niya lang ako dito para ibigay ang regalo niya.," ngumiti siya nang konting-konti lang at inayos ang bow tie. "Aah. Pasok po muna kayo sa loob para makakain," imbita ko sa kanya. "Thanks, Miss V

