Dollar's POV "Please Dollar! Ikaw na ang pumunta sa Business Ed. Bldg! Parang awa mo na!" "Wala akong awa!" Napakamot ako sa ulo at nayayamot na inirapan si Breli. Kaklase ko siya ngayong hapon at kanina pa 'kong pinipilit na mag-abot ng 'love letter' niya daw sa isa sa mga third year student doon. Kanina pa niya 'ko ayaw tantanan. Haay... "Dollar..." Napabuntong-hininga na lang ako. Ang bruha ginamitan pa 'ko ng teary eyes! "Bakit ba kasi ako pa! Ni hindi nga tayo close?" Nanggigigil kong tanong sa kanya. "Ikaw lang kasi ang kilala kong makapal ang mukha!" Hinawak ko ang kamay ko sa gilid ng upuan para pigilin ang sarili kong masakal ang babaeng 'to. "Bakit ba kasi kailangan mo pang magbigay ng love letter sa sinumang lalakeng iyon!?" Hmm.... Come to think of it... Bakit dati

