Dollar's POV Kanina ko pa kinukulit si Rion kung saan ang lakad namin ngayong hapon pero seryoso pa din siya sa pagda-drive. Pero bakit pa ba 'ko magtataka, tahimik na tao naman talaga siya. Sa loob ng isang taong relasyon namin eighty percent siguro ng conversation ay pinangunahan ko. Whatever. Isa sa ang pagiging tahimik niya sa mga minahal ko sa kanya. Silent... but deep.. Tiningnan ko ulit siya at nilingon niya lang ako at ngumiti bago binalik ang konsentrasyon sa pagda-drive. Parang ang lalim ng iniisip niya. Kanina nang sinundo niya ako sa school, napansin kong pinag-aralan niya ang buong lugar. He seemed paranoid. Kung hawakan niya ang kamay ko kanina parang may aagaw sakin. Malapit naman kami sa isa't isa kanina pero pakiramdam ko ihaharang niya ang sarili niya sa'kin kapag umul

