Dollar's POV Isa sa mga normal na umaga na ginugugol ko sa paglalakad papuntang school. Excited na 'kong dumating ang hapon. Pupunta kasi ako kina Lolo mamaya para personal na magpasalamat sa kanya pati na din kay Rion. He-he-he! Another chance to have a moment with my Unsmiling Prince. Naglalakad ako sa gilid ng highway at iniisip ko na lang na namumulaklak ang mga d**o na nadadaanan ko at yumuyuko ang mga puno para batiin ako. Hmm.... I'm wondering kung ilang kabaliwan na ang naisip ko sa ilang taong paglalakad dito. Pero wala akong magagawa, chicken na chicken sa 'kin ang isa't kalahating kilometrong lakarin dahil masaya ako. Natanaw ko ang pamilyar na sasakyan kaya napabilis ang paglalakad ko. Nang malapit na ako ay nakumpirma ko na kotse ni Zilv ang nakatigil sa tabi ng daan. Tha

