Dollar's POV Tiningala ko ang mataas na estante ng mga libro sa opisina ni Uncle. Ang totoo, hindi naman talaga ako mahilig magbasa, pero dahil wala akong magawa ngayong gabi, dito ako pinulot. Ayoko pa kasing umuwi. Kalahating oras na 'ko dito pero wala akong makitang magandang basahin. Puro tungkol sa business. Sumuko na 'ko at umupo na lang sa sofa. Pinagmasadan ko na lang ang buong opisina ni Uncle. Malinis at malawak. Si Uncle mismo ang naglilinis niyon kahit pa mas madalas siya sa kusina kesa dito. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang mahabang conference table sa kaliwa. Teka, sino ang ka-meeting dito ni Uncle? Sigurado akong hindi ang mga empleyado ng restaurant and billiards wing dahil may sadyang room para doon sa first floor. Pero ano bang malay ko sa trip ni Uncle? Tumay

