Dollar's POV Sinubukan ni Bella ng Twilight na mag-motor para makita ang aparisyon ni Edward. At tumalon din sya sa cliff pababa sa dagat para makita ulit ang aparisyon ni Edward. Hmm... kapag ginawa ko kaya iyon magpapakita kaya si Rion? Kinatok ko ang bumbunan ko para mawala ang iniisip ko. Tss.. That wouldn't work. Una, hindi bampira si Rion. Pangalawa, makikita ko nga siguro siya pero siguro kapag malapit na 'kong mamatay at nagha-hallucinate na 'ko dahil sa gagawin kong kagagahan. No. Hindi talaga magiging epektib... Pero nauubusan na talaga 'ko ng paraan para mapalabas si Rion. Wala na nga yata akong pag-asa... Umupo ako sa gutter ng rooftop ng building ng College of Sciences at nagmuni-muni. Wala naman akong balak magpakamatay. Tss! Walang Rion na dadating, sigurado ako. Napas

