Dollar's POV "Hindi ka sinipot ni Rion?" Bigla akong napalingon sa pintuan ng kusina. "Zilv? Tss! Akala ko kung sino." "Answer me." Madilim ang ekspresyon ni tatay Zilv. Hindi ako sumagot, tinuloy ko lang ang pagsasalin ng fresh milk sa baso. Ngayon ko na nga lang siya nakita ganito pa agad ang salubong niya sa akin. Pero syempre, si Zilv yan eh, walang paliguy-ligoy. Teka... Ba't niya nga pala alam? "I just want to confirm, Duchess. At ngayon napatunayan ko na base sa reaksyon mo sa tanong ko." Parang nakikita kong nagsisimula ng dumilim ang aura niya. Lumapit siya sa kitchen counter at humila ng high stool chair para umupo sa tabi ko. Pinatong niya ang dala niyang basket sa harap ko. Syempre, masarap na almusal ang laman niyan. Number one rule ni Zilv: No one gets hungry when with

