Abby's POV Pagkatapos namin manood ng fireworks ay nagpatuloy ang kasiyahan. The night was still young, and no one seemed ready to call it a day. Nakasama ako sa grupo ng mga kinakapatid ko na nagtipon sa dalampasigan sa harap ng villa. Nakaupo kami sa malambot na buhangin habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. Sa gitna namin ay ang ginawa nilang bonfire. Sa 'di kalayuan, tanaw ko ang mga magulang namin na abala pa rin sa kanilang kuwentuhan at inuman sa pool area. Paminsan-minsan ay umaalingawngaw ang kanilang malakas na tawanan na humahalo sa tunog ng hampas ng alon sa dagat. Habang nagpatuloy ang kantahan at tugtugan sa tabing-dagat gamit ang gitara, hindi rin natigil ang palihim na pagtitinginan namin ni Caleb. Sa bawat pagkakataong nagtatagpo ang mga mata

