Abby’s POV “Caleb, stop!” Pigil ang boses ko habang pinipigilan ko siya sa nais niyang gawin, ngunit tila wala siyang balak na sundin ako at nagpatuloy lamang sa paghakbang patungo sa gate. “Caleb, please.” “All I’m asking is for you to hear my side of the story.” Saad habang patuloy sa paglapit sa gate. “Ano pa bang i-explain mo? Kitang-kita sa video na nakikipaghalikan —” Nahinto ako sa pagsasalita at pigil ang hininga ko nang huminto siya sa tapat ng doorbell ng gate at nagtangkang i-press ito. “Fine! Oo na! Makikinig na ‘ko.” Natigil siya at hindi itinuloy ang balak. “Go home, maligo ka, magbihis ka, mapagkatuyo ka, then call me; I’ll listen! Just please, don’t stop.” Natataranta kong saad sa kanya. Pigilan ang boses kong huwag lumakas at baka magising ko sina Daddy. “You woul

