Abby’s POV Bumaba ako sa sasakyan sa harap ng hospital. Suot ko ang uniform ko bilang medical student. Isang normal na araw para sa isang estudyante. Sa ilang buwan kong pagpasok sa hospital ay kabisado ko na ang mga gagawin. Isa-isa akong pumasok sa bawat room ng mga pasyente. Iba't ibang pasyente sa bawat araw ang nakakasalamuha ko. Minsan napapalapit na sa ‘kin ‘yung ibang pasyente. Nakakatuwa, ngunit ‘di ko maiwasang malungkot sa tuwing malalaman kong naka-discharge na sila sa susunod na bisita ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam, pero kahit na sinanay ko ang sarili kong hindi makipaglapit, nang sa ganun ‘di ako maapektuhan. Hindi ko talaga maiwasan. May mga pasyente kasing mababait at ‘di maiwasang mapapalapit talaga ang loob ko katulad na lang nitong kasunod na pasyente Mahina

