Matagal akong tumayo roon sa corridor para titigan ang mga tao na nasa covered court. Tila may natatanaw akong rainbow dahil sa daming kulay na aking natatanaw. May asul, dilaw, pula, berde at iba pa. Napatagal din ang aking tambay doon dahil sa simoy ng hangin na tumatama sa aking buhok. Inangat ko nga ang aking mukha para tumingala at mas madama ang hangin. Damang-dama ko ang lamig na dumadampi sa aking pisngi.
Nang hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jeron.
“Hoy anong ginagaw mo?” ang una niyang pagtawag sa akin.
Hindi ko iyon narinig at dinama lang ang hangin na tumatama sa aking pisngi habang ako ay nakapikit pa.
“Hoy,” ang tawag ni Jeron at ako ay tinapik.
“Oh bakit? Andyan ka pala,” ang saad ko habang nakapikit pa.
“Anong ginagawa mo?” ang pagtatanong ni Jeron.
Bumuntong hininga ako saka sumagot.
“Dinadama ang hangin,” ang aking tugon at habang ako ay nakapikit pa rin.
“Oh, eh bakit kailangan nakapikit pa?” ang curious na tanong ni Jeron.
Napadilat ako at sabay sabing…
“Eh, bakit ba? mas dama ko kung ako ay nakapikit eh,” ang aking may pagkataray na tugon.
“Ay? first time?” saad ni Jeron.
“First time?” ang nagtataka kong tanong.
“First time moa ta magtaray sa akin,” ang sambit ni Jeron.
“Tse, anong first time ka riyan. Lagi ko ngang sinusungitan si Josias,” ang aking tugon.
“Oh, since nabanggit mo na si Josias, ikwento mo kung ano ang nangyari kagabi,” ang muling tanong ni Jeron sa topic na iyon.
“Tse, bahala ka nga riyan,” ang inis kong tugon.
Pagkatapos noon ay pumasok na ako sa room naming at si Jeron naman ay naiwan lang sa labas.
Pagakapasok sa room ay inayos ko an gaming mga gamit. Inayos ko ang mga pagkain at naglagay din ako ng sako para sa aming mga kalat para madali na lamang maligpit an gaming mga basura mamaya.
Sakto pagkatapos kong ayusin an gaming mga gamit ay biglang may nagsimula sa microphone.
“Lahat po ay inaanyayahan ng bumaba. Muli, lahat po ay inaanyayahan ng bumaba,” sambit ng isang boses babae.
“Lahat daw ay bumaba na,” ang aking paalala.
Naroon si ma’am noon. Ngunit bago pa kami bumaba ay minabuti na muna naming na magdasal kami. Pagkatapos magdasal ay bumaba na kaming lahat. Habang bumababa ng hagdan ay may nakakasabay kaming ibang school. May mga nagbubulungan na, “hala, kinakabahan naman ako”. Mayroon naman na, “excited ako dahil makakapagcontest na ulit ako,” ang bulong ng isang babae.
Pagkadating naming sa covered court ay maraming monoblocks ang nakahilera sa court. May separation ang bawat school, ang bawat pangalan ng school ay nakasulat sa isang bond paper at nakadikit sa monoblock para doon pwumesto ang bawat school.
Nang makita na namin ang pangalan ng aming school ay agad na kaming pwumesto roon.
“Magtabi-tabi ang magcacategory,” ang sambit ni ma’am.
Agad naming sinunod si ma’am. Nagtabi-tabi ang pare-parehas ang category.
Habang nakaupo ay hindi ko maiwasan magmasid sa paligid. Palingon-lingon ako sa mga tao sa paligid. At gaya ng usual expression nakatatakot talaga ang mga nakasalim na mga students. Mayroon silang kilabot na dala, alam mo iyong feeling na mayroon talaga silang ibubuga.
Pagkatapos noon ay nagsimula na ang program bago magsimula ang contest ng bawat category. Pagkatapos ng program ay mayroong parang attendance at kada tawag sa school ay sigaw ang tanging tugon ng mga students at teacher. In total, mayroong sampung school ang naglalaban-laban.
Pagkatapos ng program ay nagsimula na ang contest ng kada category.
Noong tumingin ako sa aking relo ay ten am na at ang unang laban ay sina Jeron ang mga cartoonist.
Tumayo ako para magoodluck si Jeron.
“Hoy, goodluck!” ang sambit ko at tinapik ko ang kaniyang likod.
“Kinabahan ako bigla,” ang saad ni Jeron.
“Hoy, huwag kang kakabahan. Tandaan mo iyong sinabi mo sa akin,” tugon ko.
“Sige, good luck din sayo huh. Baka hindi na kita ma good luck mamaya eh. Eleven am pa kayo sasalang eh kami ay 12 pm pa ang tapos,” ang sambit ni Jeron.
“Salamat,” ang sambit ko.
“Galingan mo. Enjoy lang din,” ang paalala ni Jeron.
“Ikaw din,” ang saad ko.
“Lahat po ng cartoonist ay pumila na. Muli lahat po ng journalist ay pumila na,” ang sambit muli ng boses babae.
“Oh pumila na raw,” ang aking tugon.
“Sige-sige,” ang sambit ni Jeron.
“Good luck Jeron,” saad ng aming co-journalist.
“Salamat, salamat. Good luck din sa inyo,” ang tugon ni Jeron habang tumutungo sa pila.
Makalipas ang ilang minuto ay pumunta na si Jeron sa kanilang contest room. Ako naman ay nanatili lamang ako sa aking pwesto kung saan doon ay nagrelax muna ako. Napatingin ako sa aking relo at ang oras na noon ay 11:20 am na. Medyo may namutawi lamang na kaba akong naramdaman. Pagkatapos noon ay minabuti kong umakyat muna sa aming classroom.
“Akyat na muna po ako,” pagpapaalam ko kay ma’am.
“Sige anak,” ang kaniyang tugon.
Pagkatapos kong magpaalam ay agad na akong umakyat sa classroom. Hindi ako agad pumasok sa room kung hindi ay nanatili muna ako sa corridor. Tumayo ako at tumanaw muli at kita ko na naman ang view ng covered court mula sa aking pwesto.
Doon ay matagal akong napamasid sa mga tao na nasa baba. Ngunit ilang minuto lamang ay muli kong tiningala ang aking mukha at pumikit para muling madama ang hangin na dumadampi sa aking pisngi. Muli kong nadama ang lamig at may ginhawa talagang dulot iyon sa akin. Ilang minuto din akong nanatili sa ganoong pwesto. Matapos ang ilang minuto ay pumasok ako sa classroom. Naupo ako sa upuan na nakapwesto malapit sa pintuan. Doon ay nagmeditate ako para hindi ako makain ng kaba na aking nararamdaman. Ilang minuto din akong nagmeditate, pagkatapos noon ay binuksan ko ang aking mga mata at hindi ko na lamang namalayan na nasabi ko ang mga salitang, “handa na ako”. Ang bulong ko sa aking sarili.
Nang marinig ko na lamang ang announcement na.
“Tinatawagan po ang mga news writer, pumila na po. Muli, tinatawagan po ang news writer, pumila na po,” ang sambit muli ng isang boses na babae.
Bumaba ako agad dala ang aking mga gamit. Kumaripas ako ng pagbaba sa hagdan at hindi ko na lang namalayan na may nabangga akong lalaki.
“So-sorry,” ang paghingi ko ng tawag habang hinihingal.
Kakaripas na sana ako muli ng takbo ngunit namukhaan ko ang lalaki. Si Josias, siya ang nabangga kong lalaki.
Napatitig ako sa kaniya at sabay tanong na.
“Ba-bakit ka na-narito?” ang aking nagtatakang tanong.
“Tawag ka na roon,” ang tugon ni Josias.
At muli kong naalala na tinatawag na ang mga news writer.
“Oh siya, bahala ka na riyan,” ang aking saad at kumaripas na ako muli ng takbo.
Pagkadating ko ng covered court ay wala ng mga news writer na nakapila.
“Oh Samantha, akala ko ay nakapila ka na roon,” ang sambit ni ma’am.
“A-ah, hi-hindi po,” ang natataranta kong tugon.
“Oh dalian mo at naroon sila kaalis lang,” ang sambit ni ma’am habang tinuturo ang direksyon kung saan tumungo ang mga news writer.
Doon ay kumaripas na ako ng takbo.
Habang kumakaripas ako ng takbo ay ako’y napaisip. Ito ba ang sinasabi nilang memorable ang malate ako sa contest.
“Shesh naman,” ang aking sambit at saka akong muling kumaripas ng takbo.
Tumatakbo pa rin ako ngunit hindi ko matagpuan kung nasan ang pila. Tumigil muna ako sa pagtakbo at yumuko muna habang nakahawak sa aking tuhod at hinihingal pa.
Habang nakayuko ay nagulat ako nang biglang may humawak sa aking kamay.
Hinawakan niya ako sa kamay at ako ay hinatak patakbo. Napatakbo na rin ako at ng pagmasdan ko ang lalaki.
“Si Josias,” ang bulong ko sa aking sarili.
“Hoy saan mo ba ko dadalhin?” ang naiirita kong sigaw.
Hindi sumagot si Josias na mas ikinairita ko pa.
“Hoy! Saan mo ba ko dadalhin. May contest pa ako!” ang naiinis ko ng sigaw at alam kong naririnig kami ng mga taong aming nadadaanan.
“Hoy!” sa aking huling sigaw ay bigla kaming tumigil sa isang classroom.
Pagkatapos ay bigla kong natanaw ang placard na hawak-hawak ng isang lalaki.
“News writing contest room,” ang aking basa rito.
Hinarap ako ni Josias sa pintuan ng room at ako ay tinulak papasok rito.
“Yes, iha?” ang sambit ng isang guro.
“Ah, news writer po ako,” ang aking tugon.
“Name?” ang saad ng teacher.
“Samantha po,” ang aking tugon.
“Oh, doon iha maupo ka roon,” ang sambit ng teacher at itinuro ang isang upuan na nasa dulo.
“Thank you po,” ang aking tugon.
Noong ako ay makaupo ay hinihingal pa rin ako. Buti na lamang ay hindi pa nagsisimulang ang pagsalang sa amin.
Gusto ko pa sanang isipin kung paano ako nakita ni Josias, kung bakit siya narito, at kung bakit niya alam kung saan ang aking contest room. Ngunit minabuti ko na huwag ko na muna itong isipin at mag focus na lang muna sa kung ano ang dapat kung gawin.
“Okay, let’s start,” ang sambit ng teacher.
Mayroong dinistribute na maliit na bond paper kung saan nakalagay ang facts at at mayroon ding isang pirasong yellow pad na dinistribute.
Matapos magdistribute ay binasa ko ang nakasaad sa bondpaper. Ang topic ay ang sariwa pang insidente sa Palawan. Ang pagkasira at pagkamatay ng mga Pawikan.
“At 1:15 pm you have to pass your paper,” ang paalala ng teacher.
Tumingin ako sa aking relo at 12:15 pm na ang oras noon. Mayroon lang akong isang oras para magsulat ng isang magandang news article.
Bumuntong-hininga ako at wala na kong ibang inisip kung hindi ang aking pagsusulat ng article.
Sinimulan ko na ang magsulat. Ginandahan ko rin ang aking penmanship dahil isa sa mga standards sa Journalism ay ang magandang penmanship.
Lumipas ang isang oras at hindi ko na lamang namalayan na isinulat ko na ang number sign at binulugan ito na tandang tapos na ang isang article at wala na itong kasunod pa.
“Okay, pass your paper,” ang muling sambit ng proctor.
Nagtayuan ang bawat-isa sabay lapag ng article sa desk at labas ng room. Ako ang huling nagpasa dahil ako ang huling nakapasok ng classroom.
Hanggang sa ako na lamang ang natira.
Pagkatapos kong ipasa ang aking article ay lumabas na rin ako ng classroom.
Habang ako ay naglalakad-lakad ay patanaw-tanaw ako sa aking paligid upang matanaw si Josias. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang makita noong oras na iyon. Siguro dahil ay gusto kong magpasalamat kung hindi dahil kasi sa kaniya ay baka nalate ako sa aking contest.
Hanggang sa nakarating na lamang ako sa covered court ngunit wala pa rin si Josias.
“Ano nakaabot ka ba, anak?” ang tanong ni ma’am.
“Opo ma’am,” ang tangi ko lamang naging tugon.
Naupo na ako sa aking upuan at hindi pa rin ako tumigil na magmasid-masid upang matunaw ko ang taong aking kanina pang hinahanap.
Ito ba iyong sinasabi nilang gawing memorable, iyong muntikan na akong malate. Buti na lamang talaga ay tinulungan ako ni Josias.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam ako at pumunta muli ako sa classroom.
Habang tumutungo sa classroom ay hindi pa rin akong tumingin-tingin sa paligid ngunit hindi ko talaga matanaw ang mukhang gusto kong makita.
Umakyat ako ng hagdan at hindi pa ako nakakarating sa tapat ng aming classroom ay doon ko na nakita ang lalaking gusto kong makita.
Nakatingala din ang kaniyang mukha habang nakapikit at dinadama ang hampas ng hangin.
Tumayo ako sa kaniyang tabi at hindi ko nga alam kung nalamayan niyang may tumabi sa kaniya.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin.
“Salamat,” ang mga salitang namutawi sa aking labi dahilan para mabasag ang katahimikan.
Hindi siya umimik kaya pakiramdam ko ay hindi niya narinig ang aking sinabi.
“Salamat,” muli kong sambit at tinapik na ang kaniyang likod para siguradong narinig niya na ito.
Dumilat ang mga mata nito at napatingin sa akin.
“Tsk,” ang tanging naging tugon lamang nito.
“Tsk? Anong klaseng sagot iyan?” ang medyo may inis at nagtataka kong tanong.
“Alam mo naman kasing sasalang na kayo nag muni-muni pa kayo rito,” ang medyo may inis na tugon ni Josias.
Nagulat ako sa naging reaction ni Josias. First time kasing gumihit sa kaniyang mga mukha ang ganoong reaction.
“Pero ngayon palang ay Congratulations na Sam,” ang sambit niya.
Tanging tango lamang ang aking naging tugon.
Pagkatapos sabihin iyon ni Josias ay umalis na rin siya at ako naman ay pinagmamasdan lamang siya habang humahakbang siya papalayo sa akin.