CHAPTER 33: THORN

2299 Words
Pag kaharap ng doctor ay nagulat ako ng nasilayan ko ang kanyang mukha. Ramdam ko rin na pagkaharap niya ay nagulat siya ng ako ay kanyang masilayan. Kami ay nagkatinginan at halata ko ang paglaki ng kanyang mga mata noong ako ay kanyang makita. Ako naman ay nakaramdam ng halo-halong emotions. Hindi ko alam kung ako ba ay magagalit o malulungkot. Parang kanina lamang ay usapan pa namin ang kung ano ang nangyari kay nanay. Ngayon ay narito na ang dahilan ng mga ‘yon. Narito na ang may dahilan kung bakit iyon nangyari kay nanay. Narito na ang may dahilan kung bakit gusto ko maging isang prosecutor at iyon ay dahil gusto kong makamit ang hatol na nararapat sa kanya. Saglit kaming natigilan ni tatay at nakatitig lamang sa kanya. Parang ilang minuto kaming nakaganun lamang. Iyong katulad sa mga teleserye na kapag nakakakita ka ng tao na may ginawa sayo o may binigay na alala sa’yo. Kapag nakita mo silang muli ay parang tumitigil ang iyong mundo. At ganoon ang aking naramdaman noong mga panahon na ‘yon. Parang tumigil ang aking mundo. Tumigil dahil sa ala-alang kanyang iniwan sa amin ni tatay. “Kuya, Samantha,” ang tawag sa amin ni Ate Joana. “Kuya, Samantha,” muli nitong tawag at tinapik ako sa braso, dahilan para ako ay mahimasmasan. “Po, a-ate?” nauutal kong sagot. “Ayan na po si doc,” sambit ni Ate Joana. Lumapit ang doctor sa amin. “Ito po sila doc, ito po si Kuya at ito naman po ang kanyang anak na si Samantha,” ang pagpapakilala sa amin ni Ate Joana. Habang pinapakilala kami ni ate ay nakatingin lamang ako kay doc. Habang siya naman ay hindi makatingin sa amin. Pansin ko ang pag-iiwas nito ng tingin. “Ah, kayo po pala,” ang tugon ng doctor. “Magkakilala po kayo?” sambit ni Ate Joana. Sasagot na sana ako ng oo, ngunit agad na kaming tinawag ng doctor. “Tara na po, rito po,” sambit ni doc. Tumungo kami sa direksyon kung saan pumupunta si doc. Makalipas ang ilang segundo na paglalakad ay nakarating kami sa kanyang opisina. Pagpasok namin doon ay mamasdan mo na magara ang kanyang mga gamit. Talagang ito ay mamahalin. Iba na ang naging hospital ni doc, kung dati ay roon siya sa kung saan niya ginamot si nanay ngayon ay nagbago na. Narito na siya sa kung saan nagtatrabaho si Ate Joana. Ang hospital na pala ito ay private kaya makikita mo talaga ang mga nag gagandahang mga gamit. “Maupo po kayo,” sambit ng doctor. Naupo kami sa sofa na nasa office ni doc. Malambot ang sofa at nababagay ang kulay nito na blue sa hospital. “Doc kamusta na po ang tatay niyo,” pagtatanong ni Ate Joana. “Ah, mabuti naman na siya,” tugon ni doc pagkatapos uminom ng isang basong tubig. “Ganoon po ba, kung kailangan niyo po ng magtitingin sa kanya ay pwede po ako doc,” saad ni Ate Joana. Kung pagmamasdan ay parang close si Ate Joana sa doctor na sumagasa kay nanay. Parang mayroon silang connection sa isa’t-isa. Para silang magkaibigan. Naisip ko tuloy kung alam ni Ate Joana ang ginawa ng doctor na ‘yan sa pamilya namin. Kung alam niya ba na siya ang may dahilan kung bakit nawala ang aking nanay. Naupo ang doctor at sinimulan kaming kausapin. “Ah, pasensya na po kayo kung pinaghintay ko po pa po kayo. May nangyari po kasing hindi inaasahan,” paliwanag ng doctor. “Okay lang po ‘yon,” saad ni tatay. Kung totoo ang sinabi ni tatay kanina na ang gusto niya ay harapin ang kanyang takot. Panigurado ako na ngayon ay kanya ng ginagawa. “Ah, ano po bang symptoms ang meron kayo?” sambit ng doctor. “Ah,” saglit na natigilan si tatay. “Ah, sumasakit po ang dibdib ko ilang linggo na rin po ang nakalilipas,” unang paliwanag ni tatay. “Pagkatapos ay nahihirapan din po ako sa paghinga. Minsan naman ay sobrang lala ng aking ubo,” patuloy na pagkukwentp ni tatay. “Umiinom po ba kayo?” saad ng doctor. “Dati po ngunit kapag mayroon lamang pong okasyon. Ngunit ngayon ay hindi na po ako umiinom. “Naninigarilyo po ba kayo?” muling saad ng doctor. “Dati po, ngunit ngayon ay hindi na po,” sambit ni tatay. Katulad ni Ate Joana ang bawat sinasaad ni tatay ay sinusulat ng doctor. “Kung ganoon po ay simulan na po natin ang check-up,” sambit ni doc. Kinuha ng doctor ang kanyang stethoscope. Pagtapos ay lumapit at umupo ito sa tabi ni tatay. Itinaas niya kaunti ang damit ni tatay at inilapat sa balat ni tatay ang stethoscope. Kung pagmamasdan ay parang pinakinggan niya ang mga tunog na nililikha ng stethoscope habang ito ay nakalapat sa katawan ni tatay. Habang ineexamin ni doc si tatay ay may isinusulat ito. Pagtapos ay pinatalikod ni doc si tatay. Pagtapos ay muling inilapat ang stethoscope sa likod ni tatay. Muli niyang pinakinggan ang mga tunog at pagkatapos ay may isinusulat muli. Tumagal din iyon ng ilang minuto at pagkatapos ay.. “Ngayon naman po ay mag isasagawa natin ang x-ray,” sambit ng doctor. Tumayo si tatay at ang doctor at sila ay pumasok sa loob ng x-ray room na naroon din sa parehong kwarto. Pagtapos ay nagsagawa na sila ng x-ray. Mayroon kasing tv doon na nagpapakita kung ano ang nagaganap sa x-ray room. Kami na lamang ang naiwan ni Ate Joana sa sofa. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Ang lamig naman ng palad mo,” sambit ni ate Joana. “Ah, kinakabahan po kasi ako,” tapat kong sagot. “Saan?’ tanong ni ate. “Eh, baka po kasi may negative findings po na resulta ate,” sambit ko. “Ano ka ba, wala ‘yan,” kampanteng sagot ni ate. “Wala pa namang resulta. Hanggang wala pa ang tanging magagawa lamang natin ay magdasal.” sambit ni Ate Joana. “Ah, kanina pala Samantha, napansin ko na parang kilala niyo ‘yan si doc,” sambit ni ate. “Kasi ilang minuto kayong nakatitig sa kanya, tapos ilang minuto rin kayong nakatitig sa kanya. Kaya ipinagtataka ko kung paano siya nakilala,” dagdag pa ni Ate Joana. Ilang minuto akong natigilan muna hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kung sabihin kay ate Joana. Kung tama ba na ikwento ko sa kanya sa kung ano ang nangyari sa pamilya namin at kay Doc Cruz. Noong ako ay magsasalita na… “Ah, kasi po…” hindi ko pa nasisimulan ang aking pagkukwento ay biglang lumabas sina tatay at doc, dahilan para maputol ang aking kwento. “Mga ilang araw po ay lalabas na rin ang resulta ng x-ray,” sambit ng doctor. Tumungo sila sa kanya-kanya nilang upuan at naupo roon. “Ah, magpahinga na muna po kayo, after po ay magsasagawa tayo ng needle biopsy,” sambit ng doctor. “Ah ano po iyon doc,” saad ni tatay. “Ah, kailangan po kasi ‘yon para malaman talaga kung kayo ay may cancer,” sambit ng doctor. “Hindi po ba mahal ‘yon doc?” tanong ni tatay. Hinawakan ko ang palad ni tatay. “Ano ba ‘tay,” sambit ko. “Bakit anak?” tugon ni tatay. “Ayan na naman po kayo, ang sabi niyo ay hindi niyo na iisipin pa ang gastos,” saad ko. “Eh, kasi anak hindi ‘yon mawala sa isip ko,” sambit ni tatay. “Ako na po ang bahaa,” tugon ko sa sinabi ni tatay. “Doc, gawin niyo po kung ano ang abot ng inyong makakaya para gumaling po ang aking tatay,” pakiusap ko sa doctor. “Oo, aking gagawin,” sambit ng doctor. “Hindi na mauulit ang dati,” muling sambit ng doctor. Sa sinabi niyang ‘yon ay parang ito ay may ibang ibig sabihin. “Hindi na mauulit ang dati,” ang dati bang sinasabi niya ay may connection kay nanay. Ang dati ba na ‘yon ay ang bangungot pa rin para sa amin ni tatay. Iyon ba ang dati na nagdulot sa amin o nagbigay sa amin ng labis na sakit. Sa totoo lang ay hindi naman ‘yon maituturing na rati. Dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin ang dati na ‘yon. Sa sinabing ‘yon ng doctor ay napayuko si tatay. Pinagmasdan ko siya at napansin kong nangingilid na luha sa gilid ng kanyang mga mata. Siguro ay naalala niya si nanay. “Rito muna kayo nurse Joana at titignan ko muna ang ibang pasyente,” paalam ng doctor. “Opo, doc,” tugon ni Ate Joana. Lumabas ang doctor para silipin ang iba pang mga pasyente. Habang kami namang tatlo ay naiwan sa loob ng office ng doctor. “Kamusta po ang pakiramdam niyo, kuya?” pagtatanong ni Ate Joana. “Medyo kinakabahan kaunti,” sambit ni tatay. “Huwag po kayong kabahan, wala pa naman pong result,” sambit ni Ate Joana. “Kinakabahan lang ako sa maaring pwedeng maging resulta,” saad ni tatay. “Nawa’y walang masamang resulta,” sambit ni tatay. Matapos ang ilang minuto ay pumasok na muli si Doc. Cruz. “Ah, sunod po kayo sa akin para magawa na natin ang needle biopsy,” sambit ni ng doctor. Tumayo si tatay at sumundo kay Doctor Cruz. Sumunod na rin ako, at pagkatapos ay nakita ko silang pumasok sa isang kwarto. May nakalagay doon na plaka at ang nakasaad ay “Laboratory”. May upuan sa labas na ‘yon at doon ako naupo at naghintay kasama si Ate Joana. Hindi ko tuloy naiwasan magtanong kay ate. “Ah, ate? ano po ginagawa sa loob ng laboratory?” sambit ko. “Ah, dyan tinitest ang mga urine, cells, tissues, blood at marami pang iba,” saad ni ate. “Eh iyong kay tatay po, ano po ulit tawag doon,” curious kong tanong. “Ah, ‘yong sa tatay mo ay needle biopsy iyon. Isinasagawa ‘yon kapag mayroon symptoms ng cancer. Para maging sigurado kung cancer ba talaga ang sakit,” tugon ni Ate Joana. “Ah, ganoong po pala,” sambit ko. Muli akong nagtanong kay Ate Joana. “Ate?” sambit ko. “Oh?” tugon niya. “Hindi po ba kayo napapagod sa trabaho niyo?” sambit ko. “Ah,syempre napapagod,” tugon ni ate. “Pero dahil gusto ko ‘tong ginagawa ko, hindi ako nakararamdam ng pagod. Kahit gising ako magdamag, kahit kailangan ko mag asikaso ng napakaraming pasyente ay ginagawa ko pa rin ng bukal sa aking loob at hindi lang basta bukal, ginagawa ko iyon ng buong puso,” dagdag pa ni Ate Joana. “Eh ate ano po ang nagiging inspirasyon niyo sa araw-araw niyong duty?” sambit ko. “Ah, ang mga pasyente,” tugon ni ate. “Iniisip ko bawat isa sa kanila ang Lolo ko na dapat gawin ko ang lahat para sa ikabubuti nila, dahil kung hindi ay parang hindi ko na rin binigyang pansin ang lolo ko,” dagdag pa ni Ate Joana. “Ate, hindi ko alam kung marapat po ba itong tanungin,” sambit ko. “Okay lang, ano ka ba, magtanong ka lang,” saad ni Ate Joana. “Ano po nararamdaman niyo ate kapag may namamatay po kayong pasyente?” ang curious kong tanong. “Syempre nasasaktan, lalo na kapag matagal ng nanatili sa rito sa hospital ‘yong pasyente,” sambit ni ate Joana. “Syempre may mga memories na rin na nabuo at mamimiss mo ‘yong pasyente na ‘yon panigurado. Minsan nga pumupunta pa ako sa room nila, tapos kapag nandoon na ako ay roon ko lang marerealize na, oo nga pala wala na siya. Siguro ay naging part na rin sila ng aking everyday routine kaya ganoon ang nagiging kilos ng aking katawan,” saad ni Ate Joana. Sa mga nagiging kwento ni Ate Joana ay grabe ang nagiging paghanga ko sa kanya. “Grabe ate, grabe na paghanga ko sayo,” sambit ko. “Ano ka ba, mararamdaman mo rin ito kapag nagtatrabaho ka na. Hihintayin kita maging prosecutor huh,” saad ni Ate Joana. “Salamat po sa paniniwala ate na kaya ko,” tugon ko. “Ano ka ba, bata ka pa lamang ay alam ko na na may mararating ka sa buhay. Panigurado ay masayang-masaya ang nanay mo ngayon,” sambit ni Ate Joana. “Sana nga po ate, lahat naman po ng aking ginagawa ay para sa kanya,” ang aking naging tugon. Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na si tatay. “Tay ano pong nangyari?” sambit ko. “Ayun anak may mga kinuha lang sila sa akin,” saad ni tatay. “Maayos lang ba ang pakiramdam niyo tay? nenerbiyos po ba kayo?” sunod-sunod kong tanong kay tatay. “Kanina ay tumaas ang aking dugo ngunit ngayon ay maayos na ang aking kalagayan,” sambit ni tatay. “Baka po nakaramdam kayo ng kaba laya po ganoon,” paliwanag ni Ate Joana. “Tara po, balik na po tayo sa office ni Doctor Cruz,” sambit ni Ate Joana. “Paano si doc? sambit ni tatay,” susunod na lamang po ‘yan si doc,” saad ni Ate Joana. Nagtungo kami at bumalik sa office ni Doctor Cruz. “Tay, sigurado po bang okay lang po kayo?” sambit ko. “Oo anak huwag ka ng mag-alala,” saad ni tatay. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay dumating na si Doctor Cruz at parang may kung ano na lamang na kaba akong muling naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD